Horoscope | Nobyembre 15, 2020 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 15, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2020 (Linggo): Nakagugulat ang kapalaran mo dahil kahit ilang beses kang magkamali, gumaganda pa rin ang takbo ng iyong buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makasisilip ka ng magandang pagkakataon upang mas mapaunlad mo pa ang iyong buhay. Huwag kang mag-alinlangan, lakasan mo ang loob mo at sunggaban mo ang nasabing oportunidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-23-29-30-33-57.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Huwag kang tumulad sa iba na ang mga suwerte ay ginagamit sa pagsasaya kung saan walang itinitira para sa sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-21-25-36-49.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ang mga mata mo sa maganda sa paningin. Ito ang magbibigay sa iyo ng kalituhan dahil ang tutok mo ngayon ay nasa pangkabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-12-16-20-21-29.
CANCER (June 21-July 22) - Lumakas ang iyong likas na karisma at mukhang ito ay papalakas pa. Gamitin mo ito sa iyong pinagkakakitaan dahil napakaganda ng ganitong karisma at lumalakas pa sa larangan ng negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-29-34-36-55.
LEO (July 23-Aug. 22) - Paramihin mo kung ano ang iyong hawak dahil ngayon ang magandang pagkakataon para rito. Huwag kang magkakamali, ngayon ang takdang panahon para sa iyo tungkol sa pagparami ng nasa iyo na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-26-31-35-50.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hanapin mo ang daan kung paano kikita nang kahit maliliit. Huwag mong kaliligtaan na ang malalaking kayamanan ay nagmula sa maliliit na kita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-24-28-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbigay ka at bibigyan ka, pero ang masayang balita para sa iyo ay nagsasabing mas malalaki at marami kaysa sa ibibigay mo ang mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-11-16-20-28-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo lang kung ano ang kaya mo. Ipaubaya mo sa langit ang mga bagay na hindi mo naman kakayanin. Sa ganitong paraan, gagaan ang iyong mga pasanin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-25-34-37-51.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka. Pagkatapos ng malalakas na pag-ulan ay may panganib sa kalusugan mula sa kapaligiran. Gawin mo ang mga nararapat na gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-28-35-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka agad maniwala sa magagandang salita. Kadalasan sa mga gumagamit ng magagandang salita ay may lihim na motibo sa kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-28-30-33-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabahala. Anuman ang mga kaganapan ngayon ay iisa lang ang patutunguhan at ito ay ang pagganda ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-22-35-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang papayag na masingitan ka ng pag-aalinlangan. Ang tiwala sa sarili ay iyong palakasin dahil ang taong may malakas na tiwala sa sarili ay nagagawa kahit ang imposible. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-23-29-30-43.




Comments