Horoscope | Nobyembre 14, 2022 (Lunes)
- BULGAR
- Nov 14, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 14, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2022 (Lunes): Simple ang sikreto ng iyong kapalaran. Kumilos ka lang nang kumilos dahil sa huli, masusumpungan mo ang iyong sarili na sobrang yaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumutok ka sa pinagkakakitaan mo nang hindi masayang ang masusuwerteng araw na ito sa negosyo. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Mauswerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-25-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakawala ng pagod ang pagsasaya, kaya magsaya ka kahit sa piling lang ng iyong mga masayahing kaibigan. Sa ganitong paraan, mananariwa ang lakas mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-24-27-29-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangka na sirain ang araw mo, mismong langit ang kanyang makakalaban. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-28-35-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hanapin sa iba ang iyong mga katangian. Bawat isa ay may kani-kanyang pagkatao. Mas magandang tingnan mo ang mga positibong bagay sa kapwa mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-16-26-27-30-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo ang iyong plano na pasayahin ang mga kilala mong
naghihirap. Ikaw ang magsisilbing daluyan ng mga biyaya mula sa langit. Dahil dito, sa huli ay mas maraming mga biyaya ang maiiwan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-29-31-35-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sundin mo ang gusto ng iyong isip na paunlarin pa ang buhay mo. Labanan mo ang mga negatibong nararamdaman mo na para kang naduduwag at takot na kumilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-24-25-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makibahagi ka sa mga pagsasaya. Dahil sa araw na ito, malungkot man ang isang tao, obligasyon pa rin niya na pasayahin ang kanyang kapwa. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-21-25-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang ikaw ay kabilang sa masusuwerteng nilalang. Magugulat ka dahil ikaw ay mapabibilang sa dadapuan ng mas marami at magagandang kapalaran. Ito ang masayang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-15-17-20-21-23-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat matangay ng iyong emosyon. Itabi mo ang mas marami sa mga pakinabang mo dahil ito ang mas tama para maging matatag ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-22-28-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umiwas ka sa walang kuwentang pagsasaya, kung saan mababawasan ang hawak mo. Nabubuhay ang tao, hindi para mag-aksaya ng oras sa walang kapararakan at walang kuwentang mga bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-25-29-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakaubos ng lakas ang sobrang pagsasaya. Hindi pa ngayon ang panahon sa todong pagsasaya. Sa halip, ireserba mo ang iyong sarili para sa nalalapit na Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-18-21-28-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na hindi mo makakamit ang mga bagay na ninanais mo. Ngunit hindi ka dapat malungkot dahil higit sa hinahangad mo ang ipagkakaloob ng langit, na sobrang ikagugulat mo. Ito ang nakasulat sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-25-32-39-40.




Comments