top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Nobyembre 14, 2020 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 14, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2020 (Sabado): Mabilis kang mag-isip. Ito ang magiging dahilan kung bakit iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Ito ang mensahe para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumutok ka sa pinagkakakitaan at huwag sa ibang bagay. Ngayon na ang iyong pagkakataon para dumami ang laman ng iyong kaban-yaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-26-39-40-55.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang tumulad sa iba na nakikipagsapalaran kahit maliit ang tsansa na manalo. Makipagsapalaran ka lang kapag malaki ang tsansa mong umunlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-24-39-35-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka pero hindi sa pakikipagsapalaran mo ngayon kundi sa nakaraang biglaang paglakas ng loob mo kaya itinaya mo ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-27-33-34-44.

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang barahang Alas. Kung gagamitin mo ito, hindi ka matatalo, pero kung pananatilihin mo lang sa iyong mga kamay, ang pananalo ay hindi mo makakamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-20-22-25-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mo ang biglaang pagtulong sa kapwa. Makikitang mas malaki ang itutulong mo sa kailangan ng iyong tutulungan at may babala na siya ay hindi karapat-dapat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-15-27-39-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gumaganda ang buhay mo dahil pabalik-balik ang mga oportunidad sa iyong harapan. Maging positibo ka nang sa gayun ay matalo ang pagiging mahiyain mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-21-27-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ka nang masigla kahit may pinagdaraanan ka. Kaya makikitang ang magagandang kapalaran ay magdaratingan sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-24-39-40-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang papayag na talunin ka ng lungkot. Kumilos ka nang masaya kahit pakunwari lang dahil ang kunwari-kumwariang masayang pagkilos ang tatalo sa lungkot mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-22-23-30-42-49-53.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -Unahin mo kung paano kikita. Hindi masama ang ganitong pananaw dahil sa negosyo, ang una ay kita at ang iba pang bagay ay pangalawa lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-25-28-35-47.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Idinaragdag sa ipon ang ilang bahagi ng kita. Ito ang gawin mo ngayon. Huwag kang tumulad sa iba na nagsasaya at ang kinita ay halos naubos na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-25-31-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingat ka sa mga makakasama mo. Tulad ng kasabihan, kung sino ang kasama ng tao, siya ay tulad din nila. Mamili ka at kung sino ang tatangayin sa iyo sa maganda, roon ka sumama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-13-14-28-39-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makikitang hindi ka puwedeng manatili sa bahay nang matagal. Malakas man ang ulan o bumabaha, ikaw ay lalabas. Sa gagawin mong ito, manunumbalik ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-29-37-45-51.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page