top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Nobyembre 13, 2020 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 13, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2020 (Biyernes): Marami ang hindi sinasadyang magamit ang likas mong suwerte. Kumbaga, susuwertehin sila dahil sa iyo, kaya sikapin mong umunlad kasabay nila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikitang maraming oras ang ginugugol mo sa pag-iisip sa mga negatibong pananaw, pero ang isang munting positibong kilos mula sa iyo ay sapat na para bumalik ang iyong dating sigla. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-20-24-39-55.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka dahil marami ang nagnanais na mabigo ka. Lumayo ka agad sa mga taong kilala mong hindi maganda ang laman ng isip para sa kanyang kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-32-35-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng gulong ng iyong kapalaran dahil makikitang mas abala ka sa kapakanan ng iba. Sa muling pagbabalik mo sa iyong sariling buhay, bibilis naman ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-20-41-43-48.

CANCER (June 21-July 22) - Madali kang maiinis, kaya mawawala ka sa tamang diskarte. Kapag napansin mong ganu’n na ang nangyayari, ang iyong kinaiinisan ay agad mong iwanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14-25-33-35-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maraming mapanghusga ang maglalabasan. Sila ang mga nag-aakalang alam nila ang kung ano ang masama at mabuti sa kapwa. Umiwas ka sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-20-35-45-52.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang maraming balakid sa landas ng buhay na iyong tinatahak, pero makikita rin na ‘pag nagpatuloy ka sa paglakad, mas mapapalapit ka sa iyong pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-33-37-49-55.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga mamimintas at mahihilig makialam sa buhay ng may buhay. Ituloy mo lang ang sarili mong diskarte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-26-27-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang sumisikat ang Haring Araw sa Silangan, palaging may pag-asa at may bagong araw. Magpasalamat ka sa panibagong pag-asa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-25-26-34-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang hihingi ng tulong dahil ang tutulong sa iyo ay magpapabagal pa sa ginagawa mo. Sa pag-iisa, mas mapabibilis ang ginagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-20-39-40-47.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbigay ka at susuwertehin kahit ang bibigyan mo na hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Muli, magbigay ka at susuwertehin ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-21-24-34-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpapalit ka ng pasya at magkakamali ka. Pero dahil hindi mo dinaraya ang iyong sarili, muli mong babaguhin ang iyong desisyon at sa pagkakataong ito, mapupunta ka sa tama. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-26-28-39-48-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag sigurado ka sa resulta ng iyong gagawin, huwag ka nang tumuloy. Mas magandang wala ka munang gawing anuman kaysa magkandamali-mali ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-21-33-38-52.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page