Horoscope | Nobyembre 10, 2020 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 10, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2020 (Martes): Isabuhay mo ang pagmamahal sa iyong kapwa dahil ito ang isa sa mga misyon mo sa buhay. Pagpapalain ka kung mas marami kang matutulungan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan mo ang paminsan-minsang pagsasaya. Makikitang mas madalas na seryoso ka sa buhay mo. Ang ilang suwerte na napasasakamay mo ay ibahagi mo sa mga tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-30-34-45-52.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa mga nakikita mo manggagaling ang ilang ideya na lalong magpapaunlad sa buhay mo. Kailangan mong lumabas at makihalubilo sa iyong mga kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-24-39-45-48.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi lahat ng lalapitan mo ay makatutulong sa iyong layunin. Tanggapin mo ang katotohanan na ang tao ay may kani-kanyang prayoridad sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-20-35-36-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kailangan ng kapwa mo, ‘yun ang ibigay mo. ‘Wag mong uulitin ang nagawa mo sa nakaraan na mas maganda kaysa sa hiniling ang ipinagkaloob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-17-24-44-49.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag hindi mo kaya, huwag mong gawin. Tanggapin mo ang katotohanan na ang bawat isa ay may kahinaan at kakulangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-7-15-18-24-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang talas ng iyong isipan. Sa ganitong paraan, maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya at malabong maabot nila ang maaabot mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-29-30-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong takutin ang iyong sarili dahil walang basehan ang mga ipinag-aalala mo. Kapag nasimulan mo na ang proyekto mo, makikitang ang multo sa isipan mo ay hindi pala totoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-21-22-24-35-48.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kambal na suwerte ang darating sa iyo. Pasayahin mo ang ilang mga kaibigan mo dahil sila rin naman ang nagpapasaya sa iyo. Pasayahin mo rin ang kapus-palad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-25-35-49-50.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang malungkot kapag hindi nangyari ang gusto mo. Alam ng langit kung ano ang mabuti sa tao dahil kung ano ang mas kailangan, ‘yun ang ipagkakaloob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-29-39-41-46-55.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatanggap ka ng maagang regalo mula sa langit. Tuparin mo ang pangako mo na hindi ka makakalimot sa mga taong nakakatulong sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-29-35-41-47-52.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon dahil ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad. Walang magagagawa ang mga lihim at lantad mong kaaway kundi ang mamangha at hindi makapaniwala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-9-28-38-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magbabalik sa iyo ang dating nakakatulong sa buhay mo. Sa pagbabalik niya, tutulungan ka muli kahit marami kang pagkukulang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-17-22-24-34-35.




Comments