Horoscope | Nobyembre 08, 2020 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 08, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2020 (Linggo): Malalaki at pabigla-bigla ang dating sa iyo ng mga suwerte. Dahil dito, marami ang maiinggit sa iyo. Huwag mo silang pansinin. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka mahihirapan, ‘yun ang iyong piliin. Huwag kang magtaka sa kakaibang payo na ito dahil malalaking suwerte ang mapasasaiyo kapag ito ay sinunod mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-23-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tunog ng porcelanang pinggan ang magsisilbi mong pampabuwenas, kaya huwag mo nang gamitin ang mga plastik. Sa ngayon, mga porcelana muna ang iyong gamitin sa pagkain. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-49.
GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang damit na may kislap. Mahirap paniwalaan pero kapag ginawa mo ito, magkikislapan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-30-31-38-40-47-56.
CANCER (June 21-July 22) - Yakap ang iyong pampabuwenas sa araw na ito. Ang simpleng pagyakap sa mahal sa buhay o malalapit sa iyo ay magbubunga ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-36-43-48.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng araw ang kailangan mo sa araw na ito dahil ito ay magsisilbi mong pinakamalakas na pampasuwerte. Huwag mong kaligtaan na magpasikat sa Haring Araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-29-31-34-42-49.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang orasan ang iyong gamitin. Magugulat ka at maaaring hindi makapaniwala dahil ang mga suwerteng pinalagpas mo noon ay muling magbabalikan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-18-24-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng hikaw o kuwintas kahit nasa bahay ka lang. Ang mga palawit na pampaganda ay magsisilbing panghila mo ng mga suwerteng kailangang-kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-15-23-24-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gamitin mo ang binili mong damit na hindi mo pa naisusuot. Ngayon ang masuwerteng araw para ito ay mapakinabangan mo dahil ito ay magbibigay sa iyo ng malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-21-25-34-47.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaiba at mahirap paniwalaan kung paano ka bubuwenasin sa iyong mga pinagkakaabalahan. Tumingin ka sa malayo, ganu’n lang bago mo gawin ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-24-29-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alisan mo ng alikabok ang banga o bagay na gawa sa pinatigas na putik na nakadispley sa inyong bahay. Ito ang magsisilbing panlaban mo sa mga negatibong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-35-38-48-58.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang masaya kahit may pinagdaraanan ka. Ang kilos na masasaya ay magsisilbing hudyat sa mga suwerteng nasa paligid na sila ay nagsidapo na sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-25-27-34-49-55.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang manatili nang matagal sa isang lugar. Lakad-tayo, lakad-tayo, ito ang gawin mo dahil ito mismo ang magbibigay sa iyo ng magagandang bagay na noon mo pa pinangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-43.




Comments