Horoscope | Mayo 7, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 7, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 7, 2022 (Sabado): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magtatagumpay ka sa buhay. At hindi lang tagumpay, bagkus, malalaking tagumpay ang iyong makakamit. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na maaaring iligaw ka ng iyong imahinasyon. Tandaan mo, kung ano lang ang nahahawakan, ‘yun lang ang totoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mong magtagal sa harap ng palakuwento na hindi mo naman talaga kakilala. Mabuti na ang nag-iingat kaysa sa huli ay wala ka nang magawa dahil nadaya ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-25-39-45-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang kursunada ng taong hindi mo maintindihan. Sa huli, siya na mismo ang lalapit sa iyo at hihingi ng areglo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-24-31-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong asahan na mangyayari ang lahat ng iyong kagustuhan. Pero ang magandang balita, marami-rami rin ang magkakatotoo sa mga iniisip mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-23-28-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Talasan mo ang iyong pakiramdam. Huwag mong kalilimutan na nagkukubli sa magagandang salita ang mga panloloko, pero sa mga kilos, ang pagkukunwari ay nabibisto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-26-35-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahinga mo ang iyong isip. Hindi mo ba napapansin na kapag ayaw mong huminto sa kaiisip, nakuha mo na ang tama pero napupunta ka pa sa mali? Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-18-24-25-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpaalipin sa pagdududa. Mas maganda na may positibong pananaw ang tao dahil mapasasakanya rin ang mga positibong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-30-38-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag maganda ang panahon, hindi dapat sayangin. Ibinabalita ng iyong kapalaran na nahaharap ka sa magandang panahon ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-13-24-32-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mo lang ang mga hindi naniniwala sa iyo. Kapag nakita na nilang nangyayari ang iyong mga sinasabi, hahangaan ka at ikaw ay kanilang kikilalanin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-23-34-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis na umaasenso ang may sariling diskarte. Umaasenso rin ang sumusunod sa mga lumang patakaran, pero mabagal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-29-30-31-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Namamahinga ang lahat ng bagay sa mundo. Sa ngayon, namamahinga lang ang suwerte mo na nagpapalakas para mabigyan ka ng kaligayahang hindi mo pa nararanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-25-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sino ang masuwerte sa araw na ito? Sino naman ang malas? Sino pa nga ba, kundi ang mga kontrabida. Sa araw ding ito, sama-sama silang mapapahiya sa kanilang mga sarili at sila’y mamalasin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-11-14-26-30.




Comments