top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 6, 2022 (Biyernes)

BULGAR
May 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 6, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2022 (Biyernes): Pagmasdan mo ang lahat ng bagay nang may pagmamahal. Ito ang sikreto ng iyong magandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdagan mo ang iyong pinagkakakitaan dahil bagay sa iyo ang maraming pinagkakaabalahan. Huwag kang mag-alala dahil kakayanin mo ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-27-34-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalo mo pang gandahan ang iyong mga ginagawa dahil lalo ring bubuti at gaganda ang iyong kapalaran hanggang sa magdatingan ang marami pang suwerte na halos hindi mo mabilang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-17-24-30-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong subukan na itama ang taong walang pag-asa na ayusin ang kanyang buhay. Magagalit at sasama lang ang loob niya at sa huli ay magbabalak ng masama laban sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-17-31-37-42.

CANCER (June 21-July 22) - Walang mawawala sa iyo. Sa halip, may madadagdag pa sa iyo kung makikipagsapalaran ka. Lakas lang ng loob ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-22-29-32-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mahirap hanapin ang mga suwerte mo dahil nasa paligid mo lang ang mga ito. Tulad ng mga bulaklak sa gilid ng daan, anumang oras ay puwede mo na itong pitasin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-25-39-40-41-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunin mo ang tiwala ng taong puwede mong mapakinabangan. Madali lang ito dahil magsasabi ka lang ng katotohanan sa kanyang taglay na mga kahinaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-11-15-24-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang nararapat, ‘yun ang gawin mo. Huwag ka nang maghanap pa ng katwiran para gawin ang hindi naman dapat gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-20-28-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka matatahimik sa harap ng isang masyadong agresibo? Sabihin mo kung ano siya nang sa gayun ay malaman niya ang kanyang mga kalabisan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-27-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Layuan mo ang mga wala namang naitutulong sa iyo. Itodo mo ang pakikisama sa mga puwede mong asahan sa panahon ng iyong pangangailangan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-20-24-27-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabihin mo ang iyong paniniwala dahil isang pandaraya sa sarili ang pagtatago ng pinaniniwalaan. Maging tapat ka sa lahat, lalo na sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-25-28-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumalma ka lang kahit ang maririnig mo ay nakakapagpainit ng ulo. Mas hinahangaan at pinapaboran ang taong kalmado sa sandali ng hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-22-26-30-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mag-alala kapag ginawa mo ang hindi mo pa alam. Langit mismo ang nag-uutos na gawin mo ito kahit kapos ang iyong kaalaman. Dahil dito, madadagdagan ang iyong kaalaman at ito ang magiging simula ng tuloy-tuloy na suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-20-25-28-31-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page