top of page

Horoscope | Mayo 5, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 5, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 5, 2026 (Martes): Hindi ka magtatagal sa pamamasukan dahil ang utos ng iyong kapalaran ay magnegosyo o mangibang-bansa ka. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang pagkilos mo, na parang hindi ka nag-iisip. Sa katunayan, kasabay ng mabilis mong pagkilos, ang mabilis ding paggana ng iyong isip. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-5-13-21-23-36-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Puhunan ba ang kailangan mo? Bibigyan ka ngayon ng iyong kapalaran. Gayunman, ingatan mong magamit ito sa mga personal na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-18-20-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Muling ipinagkaloob sa iyo ang espesyal na pribilehiyong ito. Mas magandang gamitin mo ito sa tama para bumilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-15-22-25-33-41.


CANCER (June 21-July 22) - Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo. Hindi ka puwedeng muling matangay ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-20-32-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong labanan ang agos ng iyong kapalaran. Magtiwala ka na dadalhin ka nito, kung saan makakaharap mo nang personal ang mga suwerte mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-16-24-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang una mong nagustuhan, huwag mo nang baguhin. Tandaan mo, ang pabagu-bagong desisyon at pagpapasya ay makakagulo lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-19-26-34-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit papansinin mo ang mga kontrabida sa buhay mo? Ituring mo lang na ang mga sinasabi nila ay ingay ng mga dahon sa sanga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-14-27-29-33-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Darating na ang pagbabago sa buhay mo. Ang kaginhawaan at masaganang buhay ay mapapasaiyo na. Kaya salubungin mo ito nang may saya sa iyong puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-18-28-30-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng basta na lang maniniwala sa mga naririnig mo. Mas maganda kung maghahanap ka muna ng ebidensya upang sa ganu’n ay hindi ka magkamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-17-20-25-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa naman ang sinasabi ng iyong kapalaran. Mula ngayon, malalantad ang iyong mga ikinukubling magagandang katangian at sobrang dami ang sa iyo ay hahanga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-7-23-33-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng mga taong lihim mong kinaiinisan. Sa bawat kilos niya, ikaw ang makikinabang. Mas maganda kung lihim ka ring magpapasalamat sa kanya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-21-26-34-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo na sa iyo ang mga suwerte. Sa pagkabigla mo, iwasan mong matulad sa mga taong sobrang nagsasaya dahil sa natanggap na ‘di kapani-paniwalang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-11-18-24-37-41.


1 Comment


treeshateyou67
3 hours ago

In Trees Hate You, even the way forward is a trick. Safe routes turn deadly, harmless trees reveal hidden attacks, and every sign feels designed to mislead you.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page