top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 5, 2022 (Huwebes)

BULGAR
May 5, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 5, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 5, 2022 (Huwebes): Huwag kang mag-alinlangan. Gawin mo agad ang gusto mong gawin dahil ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na makakamit mo ang iyong pinapangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang kaya mong kunin sa mga nasa harapan mong magagandang oportunidad, kunin mo agad. Mabilis na mawawala ang mga ito kaya sunggaban mo ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-37-39-40-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kalaban mo ang iyong sarili. Ikaw ay naduduwag at pinanghihinaan ng pag-asa. Nagkamali ka dahil ang totoo, kapag lumakas ang loob mo, malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-28-30-31-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mamili. Hayaan mo ang kapalaran mo na magpasya. Ito ang sikreto ng iyong buhay na kapag itinaya mo ang iyong kapalaran, ang pananalo ay makukuha mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-18-23-35-37.


CANCER (June 21-July 22) - Payagan mong mawala sa buhay mo ang sanhi ng iyong lungkot. Huwag kang tumulad sa iba na pawang lungkot ang nakukuha, pero ayaw pa ring kumalas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pagkatapos suriin ang lahat ng datos sa kapalaran mo, ikaw ay matatagpuang sobrang sasaya anumang araw at ito ay magsisimula ngayon. Kaya huwag kang mabibigla sa pagdapo ng malalaking suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-25-39-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paganda nang paganda ang takbo ng kapalaran. Ngayon mo na isabuhay ang pag-iipon dahil ngayon ka maraming maiipon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-13-22-24-39-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makipag-ugnayan ka sa nasa malayo at kapag napasaya ka, makipagsapalaran ka at makakaasa ka na ang panalo ay para sa iyo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-18-30-35-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka nagtitipid? Hihina ang iyong kalusugan at kapag nangyari ito, mas malaking problema ang sasaiyo. Kung ano ang magbibigay sa iyo ng saya, dapat ay gawin mo na. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-21-28-30-39-40-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpahinga ka muna sa nakakapagod na pagsisikap. Maglibang ka at ang piliin mong paglilibang ay ang makikipagsapalaran ka. Magugulat ka dahil sobra-sobra ang magiging saya mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-17-23-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong patulan ang gagawa sa iyo ng hindi maganda. Sa halip, lihim kang matuwa dahil langit mismo ang magbibigay sa iyo ng malalaki at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-18-20-25-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinukat ka ng langit ngayon at ikaw ay natagpuang kayang tumanggap ng malaking buwenas. Huwag ka nang masurpresa dahil ngayon ay alam mo na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-27-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makipagsapalaran sa malapit. Mas maganda kung pupunta ka sa malayo at doon mo itataya ang iyong kapalaran. Hindi mo man gaanong maunawaan ito, gawin mo pa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-24-26-33-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page