top of page

Horoscope | Mayo 3, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 50 minutes ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 3, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 3, 2026 (Linggo): Kusa kang iaangat ng iyong kapalaran sa mas mataas na puwesto. Sa katunayan, ikaw ang magiging huwaran ng mga nasa ibaba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong maramdaman ng kapwa mo na alam mo ang kanilang mga kahinaan. Hindi lahat ng katotohanan ay kailangan pang sabihin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-21-24-35-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang araw na ito, kung saan puwedeng lumabo at maubos ang laman ng iyong bulsa. Huwag kang sumunod sa payo ng mga taong nagsasabing matuto kang makuntento. Kaya habang dumarating ang magagandang oportunidad, mag-ipon ka nang mag-ipon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-15-24-29-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Bubukas pa ang maraming oportunidad na sa biglang tingin ay makakadagdag sa iyong yaman. Gayunman, hindi ipinapayo na magbago o magpalit ka ng kasalukuyang pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-25-27-36-38.


CANCER (June 21-July 22) - Kaya naglalapitan ang magagandang pagkakataon dahil ang gusto ng langit ay maiba ang iyong pananaw. Gaganda ang buhay mo kapag pangkabuhayan ang iyong tinutukan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-18-24-30-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag alam mong nasa taas ka, bumaba ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran nang sa gayun ay tuluy-tuloy at hindi mahinto ang pagdating sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-22-28-33-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maiiwanan mo ang nasa paligid mo sa dami ng iyong mga kaalaman. Puwede ka nilang iwan nang milya-milya, dahil mas kumikilos sila. Pero kapag kumilos ka, ikaw ang mananalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-23-25-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami pang magagandang bagay ang puwedeng mapasaiyo. Tiwala lang sa sarili ang kailangan mo, kaya hindi dapat makasingit kahit kailan ang pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-11-15-25-39-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ang kapalaran mo ngayon. Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Hindi puwedeng wala kang gagawing anuman, dahil wala ring mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-17-27-29-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Matatalo mo ngayon ang mga kakumpitensya at karibal mo, pero puwede ka nilang masingitan kung hindi ka makikipaglaban. Kaya ‘wag kang aatras sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-15-24-33-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat masiyahan sa gumagandang takbo ng mga pangyayari. Ang kasiyahan ay dapat madama pagkatapos makuha ang mga pinapangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-26-29-31-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magdaratingan ang mga makikislap na senyales para sa iyong kinabukasan. Magpalakas ka, at ibasura mo ang iyong mga kahinaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-27-30-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nililinis ng iyong kapalaran ang mga banta na sisira sa iyong mga pangarap. Hindi mo man maunawaan, kailangan mong tanggapin nang maluwag sa loob na para sa iyo ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-22-25-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page