Horoscope | Mayo 27, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 27, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 27, 2022 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang panalo ay para sa iyo sa bawat hamon ng kapalaran na iyong lalabanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Mas maganda kung simple lamang ang gagawin mong paghiling. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-24-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gamitin ang mga aral na nakuha mo mula sa mga karanasan ng iyong malalapit na kaibigan. Malaki ang maitutulong nito sa iyo nang hindi ka matulad sa kanya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-27-30-31-38-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali dahil hindi lahat ay nakukuha sa mabilisan. Mas maingat, mas mainam. Sa pagmamadali, ang tao ay sadyang marami ang nagiging pagkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-20-25-32-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tatapang ka ngayon. Huwag mong gamitin ang tapang mo sa pakikipag-away. Mas magandang ito ay gamitin mo para masimulan ang matagal mo nang balak na magnegosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-21-34-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo lang ang kailangan mo. Hindi porke inaalok sa iyo ay kukunin mo na lahat. Kalabisan ang pagkuha mo ng hindi mo naman talaga kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-22-32-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nagbabago ang magandang takbo ng gulong ng iyong kapalaran. Ang nagbago ay ikaw kung saan ayaw mong samantalahin ang ilang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-15-23-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo ang kakayahan ng isang nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi puwedeng maulit ang nangyari noon na mabilis kang humanga kahit hindi mo pa alam ang tunay niyang pagkatao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-30-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw ang inspirasyon ng isang nangako sa sarili na siya ay magsisikap. Hindi puwede na biguin mo siya ngayon. Mas mabuting sakyan mo lang ang kanyang mga sasabihin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-27-28-33-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaayon sa kagustuhan mo ang mga pangyayari, pero aakalain mong hindi ito pabor sa iyo. Hindi maganda kung huhusgahan mo ang mga kilos ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-20-21-27-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magtiwala sa mga bagong kakilala. Higit na maganda kung ang mga dati at kasalukuyang kaibigan ang iyong paniniwalaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-28-29-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalikan ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Kinalimutan na ng langit ang mga pagkakamali mo, kaya ang magagandang kapalaran ay muling bubuhos sa iyong harapan at hindi maaawat ang mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-22-25-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulungan mo ang isang nangangailangan. Ang langit ay gaganti sa iyong kabutihan kung saan malalaking biyaya ang mapasasaiyo. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-15-23-34-42.




Comments