top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Horoscope | Mayo 25, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2026 (Lunes): Kumuha ka ng lakas mula sa mga karanasang nagbigay sa iyo ng mahahalagang aral. Dahil ang bawat karanasan ay instrumento ng langit upang may matutunan ang tao.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa araw na ito, hindi mo mamamalayan na mula sa malayo ay nagmamadaling pumasok sa buhay mo ang mga suwerte. Dala-dala ng mga ito ang katuparan ng malalaki mong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga darating na araw nang may positibong pananaw. Sa ganitong paraan, mababago ang iyong kapalaran at lalo pa itong gaganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-14-18-27-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag kulang, dapat punan, at kapag sobra, dapat bawasan. Kulang ka sa pagkilos at sobra ka naman sa salita. Kaya alamin mo muna kung ano talaga ang kailangan mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-23-26-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo ang nasa isip mo dahil ito mismo ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang magbabago ng desisyon, sapagkat hindi ito makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-19-21-30-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lahat ay aayon sa kagustuhan mo. Ngunit, ang mga taong sasalungat sa iyo ay isa-isang mawawala sa landas mo. Kaya sa bandang huli, unti-unti na ring matutupad ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-13-24-28-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalabas ngayon ang iyong pagiging malikhain. Dahil dito, ikaw mismo ay hahanga sa sarili mo, kaya lalo pang gaganda ang iyong mga gagawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-22-25-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbang-timbangin mo ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Marami sa mga ito ay hindi mo naman kailangan, kaya huwag mo ring panghinayangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-26-33-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang haring araw kahit makapal ang mga ulap. Ganu’n din, hindi mawawala ang iyong sigla kahit ulanin ka pa ng suliranin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-18-21-29-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maiingay, dahil ang lalagyang walang laman ay talagang maingay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-10-27-30-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suntok sa buwan man ang iyong pangarap at tila mahirap matupad, ang payo sa iyo ay makipagsapalaran at lakasan mo ang iyong loob. Dahil kahit tila imposible ang iyong inaabot, mapapasaiyo pa rin ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-25-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka. Ang pamamasyal ay isa sa mga lihim ng iyong kapalaran upang muling sumigla at magkaroon ng lakas na harapin kahit ang mabibigat na problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-28-31-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang mga turo ng iyong mga magulang dahil ito ang magiging panlaban mo sa tukso at sa mga taong nais kang ipahamak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-19-25-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page