Horoscope | Mayo 25, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 25, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2022 (Miyerkules): Lumayo ka sa bayan na iyong sinilangan dahil ang mga suwerte ay naghihintay sa iyo sa malalayong lupain. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puntahan at sugurin mo na ang iyong pangarap dahil makakaasa ka ng alalay mula sa langit. Kung maduduwag ka, malaki ang magiging panghihinayang mo sa magandang araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-29-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lumalapit sa iyo ang mga suwerte. Ngunit sa pagkakataong ito, may malalaking suwerte na nakalaan sa iyo sa ibang lugar na malayo sa inyong bayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-28-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag tinulungan mo ang hindi mo kakilala, may matatanggap kang regalo mula sa langit na magbibigay sa iyo ng labis na kagalakan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-24-27-35-34.
CANCER (June 21-July 22) - Manaka-nakang pumapasok ang tag-ulan, pero hindi pa rin nawawala ang init at maalinsangan na kapaligiran. Ito ay palatandaan at paalala na anuman ang mangyari, tuloy-tuloy sa pag-init at pagganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-28-30-32-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapansin mo na may mga pagkakataong nakatingin ka sa malayo. Ibig sabihin, may nangangailangan ng tulong mo mula sa malayo. Huwag mong ipagdamot ang anumang kaya mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-23-38-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtiyaga kang magbantay sa iyong pinagkakakitaan at kasama sa pagbabantay ang palaging inaalam kung ano na ang takbo ng iyong negosyo. Hindi puwede na ikaw ay kampante lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-22-27-29-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyang halaga mo ang ginagawa ng nagpapasaya sa iyo ng nasa malayo. Kahit ang mga ito ay maliliit na bagay lamang, dapat mo pa rin itong pasalamatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-16-27-30-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumababa ang tubig sa dagat, pero muling tumataas. Ang pagbaba ng dating ng mga suwerte mo ay nagbabalita rin na ang mga ito ay muling magbabalik at kasabay nito, mas matindi pang saya at ligaya ang ibibigay sa iyo nito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-18-25-28-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagbagsak ng bulalakaw sa lupa, nayayanig ang paligid. Ang mga nakakayanig na pangyayari sa buhay mo ay nagbabalitang bigla kang yayaman. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-20-29-32-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghahanda ang langit ng mga regalo para sa iyo. Mukhang inip na inip at nababagot ka na. Tandaan mo, mahal ka ng nasa itaas at hindi ka iiwan ng langit kahit kailan. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-24-28-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paikot-ikot lang naman ang hangin, kung saan ang dati ay muling nagbabalik. Para sa iyo, babalik ang nakaraan mo, pero ang pagpapasya ay hawak mo. Masuwerteng kulay- green. Tips sa lotto-14-21-23-25-34-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naglalaro ang mga sanga ng halaman kapag umiihip ang hangin. Huwag kang masyadong seryoso. Mas maganda ang masaya kahit pa may ilang kinakaharap na problema. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-29-30-33-38.




Comments