top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Horoscope | Mayo 20, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 20, 2026 (Miyerkules): Nakamasid sa iyo ang langit. Kapag nagkamali ka, aayusin Niya agad ang kapalaran mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawasan mo muna ang matinding hangarin na yumaman. Bigyang-daan mo muna ang para sa personal na kaligayahan. Ito ang susi para mabalanse ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-16-20-33-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Natutuwa ang langit sa taong mapagbigay na tulad mo. Ang tuwa ng langit ay madarama sa pagdating ng sunud-sunod na mga suwerte sa iyong buhay na magsisimulang maganap ngayong tag-init at habang unti-unti nang nagpaparamdam ang buhos ng ulan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-24-25-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Namamahinga rin ang mga ibon habang lumilipad sa kalangitan. Ibig sabihin, kahit angat na angat ka ngayon, puwede ka pa ring huminto dahil kahit nakahinto ka, hindi ka pa rin babagsak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-27-32-35-38.


CANCER (June 21-July 22) - Madalas mong mapatunayan na mas pinagpapala ng langit ang matiisin at nagsasakripisyo. Muli mo itong isabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-17-22-29-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Minsan, mahirap maintindihan ang buhay sa mundo dahil tulad mo, nakukuha mo pang ngumiti kahit naaagrabyado ka na. Habang ikaw ay nagpapaubaya, patuloy namang dumarating ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-19-28-33-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isabuhay mo ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga hindi mo tunay na kakilala, at bigyan mo sila ng munting kasiyahan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-13-11-20-27-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Madali kang magbigay ngayon. Ngunit para makaiwas ka sa hindi magandang epekto ng sobrang pagiging mapagbigay, ang payo ay nagsasabing magtakda ka ng halaga na puwede mo lamang ibahagi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-25-28-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Alamin mo ang kakayahan ng isang taong dikit nang dikit sa iyo. Maaaring iba ang kanyang sinasabi kaysa sa tunay niyang pagkatao, kaya sa ganitong paraan ay hindi ka magsisisi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-26-29-33-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag ka agad maniniwala sa mga taong mukhang kawawa. Ito ang araw na maglalabasan ang mga mandaraya na, kapag nakadaya ka, agad kang pagtatawanan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-20-24-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung gusto mong umasenso, makipagsapalaran ka. Huwag kang mag-alala, dahil langit mismo ang magbabantay sa iyong gagawing pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-25-27-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka sa masasayang musika. Ito ang magsisilbi mong pampasuwerte, at mas malakas ang talab nito kaysa sa mamahaling kasuotang binili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-22-24-34-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isabuhay mo ngayon ang susi ng tagumpay na nagsasabing dagdagan mo pa ang iyong mga hakbang. Sa bandang huli, sila ay maiiwan mo nang malayo at milya-milya ang magiging agwat mo sa kanila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-16-28-31-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page