Horoscope | Mayo 2, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 2, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 2, 2022 (Lunes): Lihim kang tumawa kapag may nandadaya sa iyo at sinasamantala ang iyong kabutihan. Ito ay dahil sa malapit na hinaharap, langit mismo ang gaganti sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang takdang panahon para sa iyo sa pagkakawang-gawa. Magtiwala ka na nakamasid sa iyo ang langit at tinitiyak na ikaw ay makakatanggap ng malalaking biyaya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makibahagi ka sa mga gawaing nakakapagbigay ng saya sa kapwa. Kapag ginawa mo, langit mismo ang magpapasaya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-23-25-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman nawawala ang mga problema. Ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin, huwag mong alalahanin ang mga bagay na pangkaraniwan lang sa buhay ng isang tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-13-16-21-24.
CANCER (June 21-July 22) - Aalalayan ka ng langit, kaya wala kang katwiran para maduwag. Magtiwala ka at makikita mo na ang mga pangyayari ay magiging maayos ayon sa gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-22-27-31-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw kung kailan kakabahan ka, pero ang kaba mo ay nagbabalita na ang malalaki at magandang kapalaran sa buhay mo ay nagdaratingan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-14-17-29-23-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong habulin ang umalis. Muling nagbabalik ang ibon na nagtampo sa kasuyo. Sa pagbalik, ang tamis ng pagmamahalan ay walang katulad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-21-28-35-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong malakas na pakiramdam nang hindi ka mapaglalangan. Puwede mo ring gamitin ito para manalo ka sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-29-31-41-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi lang saya ang hatid ng positibong personalidad. Ito ay nagbibigay sa tao ng pagkakataong maakit ang mga suwerte ng iba na puwedeng malipat sa kanya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-24-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magdamot sa iyong sarili. Sa halip, pasayahin mo ang sarili mo. Kapag masaya, mas lumilinaw ang kanyang kaisipan at nakakapag-isip ng magagandang ideya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-25-31-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagigising ang tulog. Ngayon, ang natutulog mong suwerte ay muling gagana, kung saan ang mga walang bilib sa iyo ay magugulat at hindi makakapaniwala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-26-27-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hanapin mo ang iyong ligaya sa malayo, ngunit puwede ring hintayin mo. Ito ay nagsasabing wala sa malapit ang may dala ng iyong magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-26-30-35-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan munang malungkot at pagkatapos ay makakaranas ka ng sobrang kaligayahan dahil ang mga suwerte ay kusang maglalapitan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-23-30-33-39.




Comments