- BULGAR
Horoscope | Mayo 11, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 11, 2022 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte kahit hindi mo ginagamit ang ilang magaganda mong katangian. Bubuwenasin ka pa rin dahil likas kang masuwerte at sa araw ng iyong kapanganakan, ikaw ay tatawaging “anak ng suwerte”.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hanapin sa iba ang iyong mga katangian dahil mabibigo ka lang. Ang totoo, wala kang katulad kaya kung gugustuhin mo, mapag-iiwanan mo ang nasa iyong paligid. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-29-30-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang magtataka sa iyo ngayon dahil aakalain nila na mabagal ang iyong pag-asenso, pero ang hindi nila alam ay magdadatingan na ang iyong mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-baby pink. Tips sa lotto-4-17-22-25-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung sino ang mas masayahin kaysa sa iyo, siya ang magsisilbi mong pampasuwerte. Mas maganda kung sabay kayong dalawa na tumatawa dahil mas bubuwensin ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-32.
CANCER (June 21-July 22) - Patuloy kang yayakapin ng mga suwerte kahit nag-aalinlangan ka. Ang mga nararanasan mong pagdadamot ng kapalaran ay hindi na mauulit. Mula ngayon, puro suwerte at magagandang kapalaran ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-28-38-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan, pero ang suwerte mo ay magmumula sa mga taong mukhang walang-wala. Bigyan mo sila ng saya kahit kaunti lang at magugulat ka dahil malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-25-32-39-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang ang mga paninira sa iyo, kumbaga, manahimik ka lang sa harap ng mga intrigero at intregera. Sapagkat ang kondisyon para ikaw ay buwenasin, maglalabasan muna ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-22-27-30-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Planuhin mo ang iyong buhay. Nakamasid sa iyo ang langit dahil titingnan nito kung may plano ka sa buhay. Ang nakakamangha ay langit mismo ang gagawa ng paraan para matupad ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-13-16-24-29-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa lupa, ang nangyari na ay muling nangyayari pa. Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang mga araw kung kailan ikaw ay sinuwerte ay muling magbabalik at ito ay mangyayari ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-20-29-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng lakas sa nasa tabi mo lang na alam mong may pangarap sa buhay. Lumayo ka sa mga nabubuhay lang sa kasalukuyan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-25-38-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo ang sikreto ng kapalaran mo na nagsasabing, alisin mo ang sapin sa iyong mga paa at maglakad ka sa loob ng bahay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-25-39-41-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi naman mahirap hanapin ang iyong pampabuwenas. Oo, siya ay nasa malayo, pero siya ang palaging nagpapasaya sa iyo. Dalasan mo ang pakikipag-ugnayan sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-21-30-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran, ito ay nagsasabing igalaw-galaw mo lang ang iyong katawan, ngunit hindi kailangang ikaw ay pawisan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-20-27-39-44.