Horoscope | Mayo 10, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 10, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2022 (Martes): Bibigyan ka ng buhay na mas masarap kaysa sa pangkaraniwang buhay. Ang kondisyon ay nagsasabing, labanan mo ang iyong katamaran at kawalan ng pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento sa mga nasa iyo na. Ipagpatuloy mo pa ang paghahangad dahil marami pang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-14-28-29-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte kahit wala kang gawin. Sapagkat noon pa nagpasya ang langit na ikaw ay bigyan ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-15-27-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat masilaw sa sarili mong galing at husay. Ang magagandang kapalaran na sumasaiyo ngayon ay ipinagkaloob ng langit. Ito ang katotohanan sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-15-28-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Guguhit ang isang pangyayari sa buhay mo kung kailan labis kang matutuwa at hindi makakapaniwala na ang napakaraming suwerte ay sabay-sabay na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-28-38-40-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy kang magsikap. Ang mga langgam, umulan man o umaraw ay hindi namamahinga sa pag-iipon ng kanilang mga pagkain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-7-18-22-24-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakamatyag sa iyo ang langit. Kapag nakitang hindi ka na nag-aalinlangan, tunay na ang mga biyaya ay ihuhulog sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-23-26-37-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumating na ang araw at ito ay ngayon na. Aayusin na ng iyong kapalaran ang mga hindi tamang pangyayari sa iyong buhay. Umpisahan mo nang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-15-16-29-30-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin na makaunawa ang ayaw umunawa. Ang naninindigan sa mali ay patuloy na bingi sa mga payo. Mas magandang layuan ang ganitong uri ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-23-25-35-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang iyong kalagayan kahit hindi mo pa naaabot ang rurok ng iyong tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-22-24-27-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas sa ilang nagmamahal sa iyo. Hindi puwede na manghina at sunuko ka. Hindi ngayon ang panahon ng pag-atras. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-26-33-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Mauulit ang nangyari noon na may maghahangad na mabigo ka, pero tagumpay ang sunod-sunod na guguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-25-27-37-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lihim kang magsaya kahit dumami ang kontrabida sa buhay mo. Ito ay dahil magaganap at hindi maiiwasan na ang huling halakhak at ang masarap na tagumpay ay laan para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-28-39-42.




Comments