Horoscope | May 31, 2024 (Biyernes)
- BULGAR

- May 30, 2024
- 2 min read
Updated: May 31, 2024
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 31, 2024

Sa may kaarawan ngayong Mayo 31, 2024 (Biyernes): Kaya mong umasenso kahit nag-iisa ka lang. Ngunit may mga taong gagamit sa iyo para sila ay yumaman, hindi ka dapat nila maiwanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na may makialam sa mga aktibidad mo. Hindi mo kailangan ang kahit na sino para makabuo ng plano. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-20-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang kapakanan ng pamilya mo bago ang ibang tao. Kapag masaya ang pamilya, mas maraming suwerte ang mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-26-31-33-35-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit marami kang alalahanin dapat mabilis ka pa ring magpasya. Sa pagiging mabilis, ang magagandang bagay ay agad na magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-29-38-41-44.
CANCER (June 21-July 22) - Bago mo simulan ang negosyong gustung-gusto mo, suriin mo muna ang iyong kalusugan. Mas maganda na handa ang katawan mo para mas mapabilis ang pag-unlad mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-25-34-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, huwag mong patulan ang mga walang magawa na panay ang kontra sa iyo. Magsasayang ka lang ng panahon at maaantala lang ang mga magagandang bagay na gusto mong matapos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-26-32-39-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilang isang katuwaan, ngunit isa ring seryosong bagay. Subukan mong gawin ang bagay na ayaw mong gawin. Ito ang paraan upang suwertehin ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-15-23-29-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang tama sa paningin mo, iyon ang kampihan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-26-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malaking bagay para sa iyo ang masasayang sandali na mararanasan mo, dahil dito manunumbalik ang pagiging positibo mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-20-34-39-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang malaki at mahirap gawin, iyon ang iyong piliin, dahil hindi ka rin naman masisiyahan kung ang maliit na bagay lang ang magagawa mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-22-28-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapos na ang lungkot, at sa susunod na araw puro na kasiyahan ang mararamdaman mo. Dapat mong maunawaan na walang permanente rito sa mundo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-18-24-27-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang matibay, siya ang hindi mabubuwal. Magpatibay ka! Labanan mo ang iyong mga kahinaan. Ayusin mo ang iyong mga kapintasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-20-25-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibigay mo ang kaya mo, dahil tiyak na malaking bagay din ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-22-25-36-43.



Comments