top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 20, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 20, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 20, 2024 (Lunes): Malambot ang puso mo. Ito ang dahilan kung bakit kabaitan at kabutihan ang hatid mo sa iyong kapwa, ito rin ang dahilan kung bakit ka pinagpapala ng langit.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susundin mo sa mga araw na ito ang iyong damdamin. Kahit labag sa utos ng isip mo, wala ka pa ring magagawa para pigilan ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-18-21-36-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibahagi mo ang ilang hawak mo sa mga nangangailangan. Dahil ang kanilang sitwasyon ay minsan mo na ring naranasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-24-29-33-40

 

GEMINI (May 21-June 20) - Tuluy-tuloy lang, huwag kang papatalo sa iyong damdamin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-19-23-34-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Bibigyan ka ngayon ng kaluwagan at suwerte ng langit. Walang dahilan upang malungkot at mawalan ka ng pag-asa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-17-22-27-36.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Matatalo ka ng puso mo. Bilang katuwaan ngunit isa ring seryosong bagay, makakaya mo kayang labanan ang pagmamahal na iyong itinatago? Ang sagot ay malabo! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-10-19-28-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang mga kilos mo. Makakasingit sa iyo ang pagbuo ng plano para makatulong ka sa iyong kapwa. Gugugol ka ng maraming oras para rito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-14-17-27-38.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Manunumbalik ang malakas mong karisma na maaari mo rin maging gayuma. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-19-26-32-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang nasa tabi mo iyon ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-22-29-36-39-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahalin mo ang mahihina dahil ikaw ang kanilang kalakasan, at mahalin mo rin ang malalakas dahil may pagkakataong manghihiram ka ng lakas sa kanila. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-12-18-21-33-38-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang hilig mo, iyon ang magpapayaman sa iyo. Kaya simple lang ang susi kung paano ka aasenso. Muli, kung ano ang hilig mo, iyon ang magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-20-29-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw na mismo ang gumawa kung ano ang gusto mong mangyari. Kapag inasa mo sa iba, iinit lang ang ulo mo dahil hindi mo naman magugustuhan ang magiging resulta. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-22-28-35-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. Ito ang batas na nagpapayo na magtanim ka ng kabutihan upang makaani ka rin ng kabutihan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-12-25-34-45.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page