Horoscope | May 1, 2024 (Miyerkules)
- BULGAR

- May 1, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 1, 2024

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 1, 2024 (Miyerkules): Maraming magagandang kapalaran ang nakahanay para sa iyo. Mas masuwerte ka kaysa sa iba. Ang payo sa iyo ay tulungan mo ang mga kapus-palad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka dahil kailangan mong sumaya at ito ay alam mo. Ang isa pang alam mo sa sarili mo ay ang hindi ka dapat talunin ng lungkot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-9-18-21-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumarami ang mga gustong makipagkaibigan sa iyo. Hindi man magandang payo para sa ibang pananaw, ang kailangan mo ay mga kaibigan na iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-24-36-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Bantayan mo ang labis na tiwala mo sa iyong sarili. Madalas na dahilan ng kabiguan ay ang labis na pagtiwala sa sarili na hindi naman dapat mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-32-41-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kambal na saya ang para sa iyo. Pasasayahin at muli kang pasasayahin nito. Tatalab sa puso mo ang saya sa mahabang araw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-20-29-31-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo, kaya gawin mong simple ang pagsasabi at mas maganda ay huwag mo nang lagyan pa ng mga dekorasyon at paliwanag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-25-28-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo nang mabuti ang bawat pagkilos. Kadalasan, nabibigo ang tao dahil hindi niya iniisip nang mabuti ang kanyang ginawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-23-27-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong sarili kaysa sa iba. Ang mali ng marami ay inuna ang iba at hindi pinahalagahan ang sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-25-30-42-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumasaya ang tao dahil sa kanyang mga kaibigan. Masaya rin ang nag-iisa, ayon sa iba, pero ang ganito ay pandaraya lang sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-6-12-24-36-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mo lang ang isang bagay na walang pagtatalo sa isip mo. Huwag mong kaligtaan na ang pag-aalingan ay hindi maganda kahit kailan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-21-27-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang manghinayang sa mawawala sa iyo dahil mas marami ang mapupunta sa iyong magagandang kapalaran kapag gumaan ang pasanin sa iyong balikat. Masuwerteng kulay-white.Tips sa lotto-8-17-28-35-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magmumula sa mga kaibigan at ibang tao ang mga suwerte mo. Maging masayahin ka at huwag mong ipagdamot ang munting ngiti mula sa iyong mga labi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-22-25-29-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, dumikit ka sa masayahin upang ika’y suwertehin. Lumayo ka sa mga paladaing, iyakin at reklamador nang hindi ka madamay sa hindi nila magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-27-34-39-45.


Comments