top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 9, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Mar 9, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 9, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 9, 2022 (Miyerkules): Malakas ka at mas malakas ka kaysa sa mga pangkaraniwang tao. Kaya inaasahan nang magtatagumpay ka sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo ang anumang gusto mo dahil ang langit ay aayon sa mga ito. Muli, gawin mo na ang anumang gusto mong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-29-30-33

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatapang ka, pero mas mabuting ilagay mo ito sa mga bagay na hindi mo nagawa sa nakaraan kung saan hangarin mong mapaunlad pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-17-21-24-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka ngayon dahil may babala na kapag nasobrahan ang tiwala mo sa iyong sarili, may ilang bagay na puwede mong pagsisihan at panghinayangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-25-26-39-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Sumunod ka lang sa gusto ng isang malapit sa puso mo dahil ang gusto lang naman niya ay umayos ang buhay mo at sa huli ay mapasaiyo ang malalaki mong ambisyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-29-31-33-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang tama, ru’n ka pumanig. Iwasan mong pumanig sa malapit sa buhay mo kahit alam mong hindi tama ang kanyang mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-27-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang gamitin mong sandata ng kapalaran sa mabibigat na suliranin na iyong kinakaharap. Makakaasa ka na mas mapapabuti ka at maaayos ang lahat ng gusot. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-1-16-24-30-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Mapapahiya siya at papangit ang kanilang kapalaran dahil sa mga maling husga nila sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-28-30-36-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi man gaanong kalakihan ang mga suwerteng mapasasaiyo, sapat pa rin ang mga ito para masabi mong mahal ka ng langit at hindi ka pinababayaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-14-28-31-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hahawiin mismo ng langit ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran nang sa gayun ay mapabilis ang pag-angkin mo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-20-23-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalaking biyaya ang nag-aabang sa iyo at ganap na mapasasakamay mo ito kung magkakaroon ka ng kahit kaunting lakas ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-21-28-32-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hihinto ang pagdating sa buhay mo ng hindi magagandang kaganapan at bigla ring magsisimula na gumanda kaysa sa kasalukuyan ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-22-29-31-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ngayon ang pinakamalakas mong kaaway at tiyak ang iyong panalo dahil mismong langit ang makikipaglaban para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-25-26-35-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page