top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 7, 2021 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 7, 2021


Sa may kaarawan ngayong Marso 7, 2021 (Linggo): Malayo ang iyong mararating, malayung-malayo. Ibig sabihin, hindi lang isang tagumpay ang maitatala sa aklat ng iyong kapalaran. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang kakaibang yaman ng iyong imahinasyon na mapasasaiyo ngayon at sa ilang araw pang darating. Ito rin ay nagsasabing ang kabiguan ay malabong iyong matikman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-19-26-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda-handa ka na dahil ang nagdaratingang malalaking suwerte ay napakalapit na sa iyo. Alisin mo muna ang nakaugalian mong pag-aalinlangan.

Sa panahong ito, kailangang maging buo ng iyong loob. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-29-30-34-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nauubos ang iyong mga suwerte. Nagkataon lang naman na parang hindi ka gaanong interesado sa pagpapayaman dahil masyado kang abala sa ibang mga bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-23-35-34-43.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong mabigla. Dahil sa nakaraan, nang mabigla ka ay nalantad ang iyong itinatagong damdamin. Wala pa sa tamang panahon para mahayag ang laman ng puso mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-12-24-28-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Isang suwerte ang dadapo sa iyo na kapag nakita ng langit na pinahalagahan mo, daragdagan pa ito at ang idaragdag ay labis mong ikagagalak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-23-35-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang sumakay sa sinasabing ipaglaban kapag may katwiran. Ito rin ay nagsasabing walang katiyakan ang iyong panalo. Ang mas mabuting piliin mo ay ang pakikipagkasundo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-34-38-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan ang nakasulat sa Aklat ng iyong Kapalaran na nagsasabing pagandahin mo ang buhay ng isang malapit sa iyo at tatanggap ka ng malaking gantimpala sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-27-28-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mabibigo. Ituloy mo ang matagal mo nang balak na pagkakakitaan. Makikita mo na sunud-sunod na parang parada ng magagandang artista ang mga suwerteng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-20-21-29-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mo lang at huwag mong pahirapan ang loob mo sa isang taong lumayo sa iyo. Ang masayang balita — pero baka hindi mo pa ikatuwa — siya ay babalik din sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-23-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahalin mo ang iyong sarili. Ito ang dapat mong gawin bago sundin ang utos na mahalin mo ang iyong kapwa. Kaya hindi ngayon ang tamang panahon ng pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-16-25-28-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang imbento mong istorya ay paniniwalaan. Ang nakagugulat pa, dahil dito, dagdag na sarap sa buhay ang ibibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-17-28-30-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dating at lisan ang mga alon sa dalampasigan. Parang pangkaraniwan lang ang pangyayaring ito, ngunit ito ay nagsasabing bawat araw ay papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-21-25-39.


Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page