Horoscope | Marso 4, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 4, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 4, 2022 (Biyernes): Marami ang yayaman dahil sa iyo. Ikaw ay pinapayuhan ng kapalaran na unahin mong paunlarin ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maguluhan dahil kinokontra ka ng ilan. Gawin mo lang nang gawin ang gusto mo at hindi maganda na nakadepende ka sa opinyon ng ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-13-27-31-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maglinis ka ng bahay. Magugulat ka dahil lilinis din ang kapalaran mo dahil ang mga negatibong nangyayari ngayon ay magiging positibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-25-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Magkunwari kang walang interes sa gusto mo. Sa ganitong paraan, mawawala ang mga kontrabida sa buhay mo at dahil kunwari lang naman, malaya mong magagawa ang iyong mga gusto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-24-38-45-46.
CANCER (June 21-July 22) - Disiplina ang iyong kailangan dahil ito rin ang susi sa tagumpay. Ang iyong mga kalabisan ay alisin mo nang magsimula ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-26-39-40-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Harapin mo ang mga araw na ito nang may positibong pananaw. Sabihin mo sa iyong sarili na kailangan ang gabi para magkaroon ng bagong araw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-28-31-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag may nalagas na dahon sa sanga, ibig sabihin, may darating na bagong usbong. Ito rin ay nagsasabing huwag kang malungkot, sa halip ay magsaya ka ‘pag may nawala sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-23-30-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong damit, pero sa bahay ka lang dahil ang iyong pampasuwerte ngayon ay ang paborito mong damit. Hindi ipinapayo ngayon bumili ka ng bago. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-11-13-26-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong puwesto kung saan ka may negosyo. Ang mga wala sa lugar ay ayusin mo. Ang mga gamit na hindi kailangan, itapon o ipamigay mo sa mga nangangailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-21-28-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang punto-de vista ng mga nasa paligid mo. Sa maniwala ka o hindi, sila ang may magagandang pananaw kaysa sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-17-20-21-24.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagbati ka sa nakagalit mo na hindi naman gumagawa ng pangit laban sa iyo. Ito ang pampasuwerte mo kung saan ‘pag nagkamabutihan kayo, kapwa kayo bubuwenasin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-13-16-25-32-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka. Sa pagpaparaya, tatanggap ka ng malalaking suwerte kung kailan malulubos ang iyong kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-12-29-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na naisulat ang mangyayari at ang anumang naisulat ay hindi na mabubura. Ayon sa nakasulat, magsisimula ka nang suwertehin at ang mga ito ay madodoble pa sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-15-26-29-30-44.




Comments