top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 31, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Mar 31, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 31, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso MARSO 31, 2022 (Huwebes): Luwagan mo ang iyong kalooban dahil ito ang sikreto upang magdatingan ang iyong mga suwerte. Iwasan mong magalit dahil hindi maganda na sasama ang loob mo nang wala sa lugar.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bigyan mo ng laya ang iyong sarili mula sa mga multong ikaw lang ang may imbento. Bakit ka nag-iisip ng mga nagatibong bagay na hindi naman mangyayari? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naaawat ang nakatakdang kapalaran. Kahit malalakas ang pagsalungat ng mga walang paniniwala sa iyo, ang magagandang bagay ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-22-28-34-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Maging alerto ka. Ang isang napakalaking oportunidad ay lalagay sa harapan mo at kapag hindi mo pinansin, ito ay mawawala at mapupunta sa ibang mga kamay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-26-30-37-44.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang naghihintay, walang mapapala. Ikaw na nagpasawalang-bahala ang dadapuan ng mga suwerte na iyong ikamamangha at ikaw ay hindi makakapaniwala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-16-24-28-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Simple lang ang susi ng masayang buhay. Oo kung oo at hindi kung hindi. Ang mahabang paliwanag ay nagiging sakit lang ng ulo at sanhi ng pag-aalala. Sanayin mo ang iyong sarili nang “Oo” at “Hindi” lang na kasagutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-27-41-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang pag-unlad ng mabagal magpasya. Ito ang dapat mong mapansin dito sa mundo. Wala nang mas maganda para sa iyo kundi bilisan mo ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-14-26-34-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo. Ang namimili ay napupunta sa pangit. Marami mang hindi umaayon sa nakasanayan mo, tiyak na sa huli, ang pinakamaganda ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-30-33-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalong naduduwag ang duwag. Ang mahina ang loob ay lalong pinanghihinaan ng loob. Hindi ka dapat mapabilang sa kanila, kaya pag-aralan mo kung paano ka tatapang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-20-22-28-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw maniwala. Kapag nakita nilang tama ka, sila na mismo ang lalapit sa iyo. Sa pagkakataong ‘yun, ang gagawin mo lang ay ang magbingi-bingihan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-21-26-34-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paalala, kung ano lang ang kaya, ‘yun lang ang ibigay mo. Mauulit ang nangyari noon na kapag hindi ka magbabago at gumagawa ng paraan, mapagbibigyan lang ang nagsisilapit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-17-25-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lahat naman ay nakakaalam na ang sama ng loob ay puwedeng maging sanhi ng karamdaman. Mas mabuting umiwas ka na lang sa sinumang puwedeng magpasama ng loob mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-17-18-33-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan maluwag, doon ka! Ibig sabihin, mali kapag ang pinili mo ay ang alam mong magpapahirap sa iyo at idadaan ka sa marami at mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-29-30-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page