Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 3, 2021 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 03, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 3, 2021 (Miyerkules): Hindi papayag ang iyong kapalaran na manatili ka sa ibaba dahil ikaw ay nakatakdang mamuno at mamahala. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Oo, marami kang maipagmamalaki kaysa sa mga pangkaraniwang nilalang, pero mas makabubuti sa iyo na ramdam nilang ikaw ay kanilang kapantay. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-15-29-30-33.



TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy na magdaragsaan sa harapan mo ang naggagandahang oportunidad na mapaangat mo nang husto ang iyong kapalaran. Lakas lang naman ng loob ang kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-22-27-31-34.



GEMINI (May 21-June 20) - Hangang-hanga sa iyo ang isang angat sa buhay at may sinasabi. Hindi magtatagal ay mangangarap siya na maging bahagi ka ng kanyang buhay. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-21-28-35-38.



CANCER (June 21-July 22) - Makakaasa ka na pakikinggan ng langit ang panalangin mong may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapapatunayan mong kakaiba ang pagmamahal sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-25-26-39-40-42.



LEO (July 23-Aug. 22) - Muling iiral ang iyong sobrang kabaitan. Halimbawa, isa lang ang kailangan, pero dalawa ang iyong ibinigay, kumbaga, higit sa hiningi sa iyo ang ipagkakaloob mo. Sa ganitong paraan, sobrang sasaya ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-24-27-35-37-40.



VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang matagalang pag-aanalisa ng mga nangyayari sa buhay mo dahil habang nag-iisip ka, ang mga negatibong pananaw ay naglalabas-pasok sa isipan mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-17-23-28-38.



LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumaganda pa ang kapalaran mo, ibig sabihin, gumagalaw ang gulong ng kapalaran para matupad ang mga ambisyon mo sa buhay. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-26.



SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipaubaya mo sa langit ang mga pangyayari sa buhay mo. May mga plano ang nasa itaas na maaaring hindi abot ng iyong isipan. Tiwala lang ang kailangan mo higit kailanman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-28-30-31-32.



SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ang masusunod ngayon. Ang iba na parang salungat sa mga kagustuhan mo ay matatagpuang walang magagawa ngayon kundi ikaw ay sundin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-24-27-34-36.



CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lakasan mo ang iyong loob nang hindi masayang ang mga ibinibigay sa iyong pagkakataon na tuluy-tuloy ka nang umasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-23-29-30-35.



AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpapabagu-bago ka ng pasya, pero sa huli, kung ano ang makabubuti sa iyo, ‘yun ang magiging desisyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-14-22-26-32.



PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bingi ka sa mga payo sa iyo ngayon dahil makikitang nabubuhay ka sa pagpapantasya. Hindi ka naman masisisi dahil kakaibang saya at ligaya ang iyong madarama. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-21-26-28-34.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.