top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Marso 29, 2022 (Martes)

BULGAR
Mar 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Marso 29, 2022 (Martes): Pagpapalain ka dahil sa kahanga-hangang kabutihan mo. At ang pananamantala sa kabaitan mo ay nagiging sanhi ng pagdating ng mas maraming biyaya para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dito sa mundo, ang kumikilos ay umuunlad at ang walang pagkilos ay katumbas ng kawalan ng pag-asenso. Saan ka pa? Eh, ‘di dapat ikaw ay mapabilang sa una – kumilos ka na! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-29-30-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbababala ang kapalaran mo na kapag hindi mo nakontrol ang iyong pagiging maawain, sa ibang araw, ikaw ay magigipit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-8-24-28-31-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Iwanan mo na ang nakaraan. Ang mga nakaraang pagkakamali at pagkukulang ay huwag mo nang tutukan dahil ang higit na mahalaga ay ang pagsasaayos ng kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-22-28-41-45.

CANCER (June 21-July 22) - Nakita ng mga mata mo na sa nagdaang mga araw, ang mahiyain ay hindi masyadong naging masaya. Kaya ang pagiging mahiyain mo ay hindi makakaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-31-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sikapin mong tuparin ang mga ipapangako mo sa iyong sarili. Kahit hindi mo matupad nang eksakto, ang mahalaga ay may makitang pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-28-30-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang buhay ay pakikipagsapalaran. Kaya sinasabing walang kabuhay-buhay ang mga takot harapin ang hamon ng kapalaran. Huwag kang matakot dahil habang hinaharap mo ang mga pakikipagsapalaran, lalo kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-20-24-31-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit mahirap gawin ang mga plano mo, gawin mo pa rin ito nang may saya. Huwag tumulad sa iba na sobrang seryoso na kapag nabigo ay sobra ring nasasaktan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-19-25-34-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagbabago ang hangad ng mundo, lalo na silang mga sawi sa buhay. Ang pagbabagong darating sa buhay mo ay may kasamang suwerte at magagandang kapalaran. Ang mahalaga, ituloy mo ang lihim na ginagawa mong pagtulong sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-17-24-26-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutok ang kailangan mo, lalo na sa panahong ito na papatapos na ang pandemya. Huwag mong kakalimutan na ang hindi tinutukan ang pagkakataong yumaman ay nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-24-25-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang iyong mahalagang oras. Kumilos ka nang kumilos at para magawa ito, ang isip mo ay dapat sumunod sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-24-39-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang aalis, tiyak din namang siya ay muling babalik. Ang nakatutuwa pa rito, sa kanyang pagbabalik, higit na magiging masarap ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-16-19-29-33-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka makikinig sa payo na ikaw ay mamahinga. Ang pakikinggan mo ay ang iyong mga paa kung saan dadalhin ka sa harapan ng iyong magiging kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-20-25-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page