Horoscope | Marso 25, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 25, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 25, 2022 (Biyernes): Hindi puwede na palagi kang mananatili sa lupang iyong sinilangan. Kailangan mong lumayo kahit pansamantala lamang dahil ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magaganda ang maiisip mo ngayon, pero bilang pagtatapat sa iyo, ang magaganda ay mga tuksong puwedeng maging sanhi ng pag-atras ng mga suwerteng sumasaiyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-19-20-27-28-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka lang. Huwag mong basta sasakyan ang sa biglang tingin ay magagandang panukala. Ang mga ito ay maganda lang naman para sa kapakanan ng nagsasalita. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-29-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mababawasan ang pagkilos mo ngayon dahil sa kung anu-anong maiisip mo na hindi naman talaga makakatulong sa mga gusto mong mangyari. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-8-11-17-23-38.
CANCER (June 21-July 22) - Magbabalik sa alaala mo ang mga nagawa mong pagkakamali sa nakaraan. Huwag mong pansinin ang mga ito, sa halip ay iyong balewalain at ituloy mo lang ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-20-29-31-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ililigaw ka ng taong kung magkuwento ay sobrang haba. Para makaiwas, lumayo ka agad kahit ang mga sinabi ay magandang pakinggan. Makinig ka sa babala nang hindi ka magsisi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-21-27-28-35-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapayo ang papel mo sa mundo ngayon. Ang mga sasabihin mo, kahit pa sa totoo lang ay hindi mo kayang gawin sa sarili mo ay malaki ang maitutulong sa ibang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-24-29-31-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang sarili mong kapakanan bago ang iba. Hindi puwedeng uunlad ang kapwa mo, pero ikaw ay mananatiling walang pagbabago. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-27-33-37-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na magpapasaya sa lahat. Hindi man hilig ang pagsali sa mga programang nagpapasaya, kailangan ay gawin mo para hindi ka mapintasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-25-27-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Higit mong pakikinabangan ang isang nasa malayong kakilala kaysa sa mga nasa malapit lang. Pero huwag mong ipahalata na sila ay balewala sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-12-26-32-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sisingilin ng langit ang mga nakagawa sa iyo ng pagkakamali, pero dahil likas kang mabait, hihilingin mo na bigyan sila ng isa pang pagkakataon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-24-28-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naaaninag pa rin ang liwanag ng Haring Araw kahit sa nakasaradong kuwarto. Ito ay nangangahulugan ding sa panahong ito, lilitaw pa rin ang ganda ng iyong personalidad kahit mabigat ang iyong mga problema. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-20-24-28-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo muna ang pagkatao ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi mo kailangan ang mahihina at hindi rin puwede sa iyo ang mga kunwaring may ambisyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-22-29-31-32.




Comments