top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Marso 22, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 22, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 22, 2021 (Lunes): Gamitin mo ang katotohanang likas kang masuwerte para sa sarili mo at kung puwede ay huwag sa iba. Ito ay upang hindi ka magsisi sa huli.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang gustung-gusto mo. Ito ang isang susi ng tagumpay na kung ano ang kilos ng katawan at sinabi ng isip ay nagkakaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-20-24-38-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipadarama sa iyo ng langit na ang mga kabutihang ipinakita mo sa iyong kapwa ay may katumbas na biyaya at pagpapala. Huwag kang magbabago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Magkunwari kang mahina ngayon. Gawin mo ito nang sa gayun ay akalain ng iyong mga karibal at kakumpitensiya na natalo ka na. Ito ang paraan para mawala ang pagtutok nila sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-8-13-29-35-37.


CANCER (June 21-July 22) - Balikan mo ang iyong mga nakaraan. Ngayon ang tamang panahon para magbulay-bulay ang tao kung saan dapat ay kinukumusta niya ang sarili niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-24-27-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang nag-aakala na maliit at mahina ka. Ang takbo ng mga pangyayari ngayon at sa darating pang mga araw ang magsasabi sa kanila na sila ay matatalo mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-16-17-20-28-31.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinuhusgahan kung sino ang panalo at talo sa huli, hindi sa unahan at kalagitnaan ng laro ng buhay. Tumawa ka nang lihim sa mga nag-aakalang hindi ka na makakabangon pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-22-29-31-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mo ang iyong ganda at galing. Huwag na huwag mong kaliligtaang ipakita na hindi ka mahina dahil ikaw ay totoong mas malakas kaysa sa pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-21-24-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit mo papansinin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi sa iyo? Hindi ka nabubuhay para sa kanila, kaya wala kang dapat ipaliwanag sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-16-30-31-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman mahalaga kung mataas o mahirap akyatin ang bundok ng tagumpay. Ang pinag-uusapan ay kung desidido at handa ka sa lahat ng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-11-16-19-20.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang akala mo ay hindi mo kakayanin. Dahil akala mo lang naman, tiyak na makakaya mo ito at simula ngayon, kakayanin mo ang lahat ng akala mo’y hindi mo kaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-15-24-27-34-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Ang nakamamanghang katotohanan ay nagsasabing hindi ka isinilang para sa mga gawaing mahirap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kaawa-awa ang taong walang ambisyon, ganundin ang nagkukunwaring hindi ambisyosa at ambisyoso. Dahil dito sa mundo, ang walang ambisyon ay walang mararating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-13-17-22-25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page