Horoscope | Marso 17, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 17, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2022 (Huwebes): Ang bawat mapalapit sa iyo ay walang magagawa kundi mahalin ka. Sila ay lihim na inutusan ng langit na ikaw ay alalayan at palaging tulungan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag tahimik ang ilog, ito ay malalim. Kapag ang tao ay maingay, siya ay mababaw. Huwag kang basta hahanga at maniniwala sa mga mahilig magsalita at palakuwento. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-26-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naaabot ang pangarap kapag hindi nagagawa ang mga unang hakbang. Hindi puwede ang walang katapusang pagpaplano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-23-32-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Higit na maganda ang hardin kapag ang mga bulaklak ay maraming kulay. Higit na gaganda ang buhay mo kapag hindi ka nanatili sa iisang gawain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-15-18-26-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Magmadali ka. Ang makupad ay napag-iiwanan. Ang mabagal nalalagpasan. Huwag kang pumayag na ang iyong mga karibal ay namamayagpag at ikaw ay patuloy na naiiwan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-14-31-33-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pinupukol ang puno na maraming bunga. Sa halip na magalit ka, lihim kang tumawa dahil ang mga kalaban mo ay inggit pa rin sa iyo. Malinaw ang mensahe ng langit, “Silang naiinggit ay babawasan, habang ang kinaiinggitan ay patuloy na daragdagan.” Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-8-15-16-28-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Alagaan at ingatan mo ang manok na nangingitlog ng ginto. Ibig sabihin, ang iyong negosyo ay huwag mong abusuhin dahil sa iyong personal na pangangailangan. Masuwerteng kulay-powder blue. Tips sa lotto-16-18-22-29-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka makakapunta sa kabila ng ilog kapag walang tulay. Ang isa sa tulay ng tagumpay ay ang sinasabing, sa positibong pananaw, bumibilis ang pag-unlad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-24-27-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paniwalaan mo ang malalapit mong kaibigan kaysa sa iyong sarili. Higit nilang alam kung ano ang makakabuti para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-19-21-23-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahihirapang makalipad ang ibon na sira ang pakpak. Ayusin mo muna ang problema sa pagitan mo at ng iyong mga kasama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-7- 16-25-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong kaligtaan na ang makakatulong sa tao ay ang dati nang tumulong sa kanya. Mas maganda na huwag nang lumapit sa iba kahit sa tingin mo’y maaasahan sila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-17-20-26-29-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madaling sumusulong ang buhay ng taong takot maghirap. Alalahanin mo ang iyong mga pinagdaanan na nagturo sa iyo na kailangan mong pag-ibayuhin ang pagsisikap. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-21-23-26-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipinaaalala sa iyo na dalawa ang mata ng tao, gayundin ang kanyang kamay at paa. Ibig sabihin, hindi ka mabubuhay nang masaya kung ikaw ay nag-iisa. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-14-18-21-29-35.




Comments