Horoscope | Marso 15, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 15, 2022
Sa may kaarawan ngayong Marso 15, 2022 (Martes): Magtiwala ka sa iyong kapalaran. Kahit may pinagdaraanan ka, iisa lang ang kauuwian ng lahat at ito ay ang lalo pang pagganda ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pabigla-bigla ang takbo ng iyong kapalaran at ang mga karibal mo ay nagugulat. Hindi nila matukoy kung ano ang dapat nilang gawin upang sila ay makahabol sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-16-29-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang hinihintay mong pagkakataon. Lakasan mo ang iyong loob at makipagsapalaran ka. Huwag mong sayangin ang araw na ito at ang mga araw pang darating na ikaw ay buwenas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-21-25-28-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang may kislap. Ang kislap na makikita mo sa iba ang magsisilbing pampasuwerte mo. Iwasan mo rin ang mga malungkutin dahil walang kislap ang kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-18-20-28-35.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ito ay dahil nagsasabing ang taong in love ay maghahatid sa iyo ng buwenas. Ang “siya” na tinutukoy ay hindi ikaw, pero kilalang-kilala mo siya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-23-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ngayon ang pagmamahal mo sa kapwa. Hindi kailangan na marami o malaki ang itutulong mo dahil ang mahalaga ay makita ng langit na mahal mo sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-23-39-40-41-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nawawala sa iyo ang pagiging mapag-alinlangan. Pero minsan, ito ay nakakatulong dahil may pagkakataong muntik kang magkamali, ngunit magpapasya ka nang tama. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-20-25-27-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Atras-pasulong ang iyong kapalaran. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda, pero ang totoo, sa pag-atras at pagsulong ng mga alon sa dagat, nagiging magandang-maganda ang iyong lugar. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-21-22-26-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag mahina ang banat, halos walang talab. Magdagdag ka ng puhunan at makikita mo ang mabilis na paglago ng iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-20-28-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Yumayaman ang mayaman na. Ang mahirap ay hindi makaahon at hindi rin nadaragdagan, bagkus ay nababawasan pa. Ano ang dapat mong gawin? Mahirap ka man o mayaman, kung saan ka sasaya, ru’n ka lang muna. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-24-35-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi naaawat ang pagdating ng araw at gabi. Tuloy ang buhay kahit ano ang nararanasan. Ang payo sa iyo ay sakyan mo lang ang agos ng kapalaran at darating ang panahong mayamang-mayaman ka na. Masuweteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-25-29-30-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag ka munang umalis sa kung nasaan ka man ngayon. Ang paglipat ng trabaho ay hindi maganda para sa iyo. Ang pansamantalang pananatili sa kasalukuyan ay mas makabubuti. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-27-30-31-36-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabibigla sa sikreto ng iyong kapalaran na nagsasabing, manghiram ka ng suwerte sa iba at magugulat ka. Ibig sabihin, ang tatayaan mo ay ang tinatayaan ng kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-19-25-35-38.




Comments