Horoscope | June 6, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 6, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 6, 2024 (Huwebes): Sama-samang kikilos ang mga bituin nang sa gayun ay gumanda ang kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa tingin mo, ‘yun ang para sa iyo. Huwag kang makisakay sa mga payo na ang maganda sa tingin ay huwag yakapin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-18-21-27-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang nasaiyo na ang mga bagay na gusto mo. Isang pormula ito ng tagumpay na nagsasabing ‘pag magkaisa ang isip at katawan, makukuha mo lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-29-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ipakita mong hindi ka tinatablan ng intriga at tiyak na lalayuan ka ng mga gumagawa nito. Tinatablan lang ng sakit o karamdaman ang kinakikitaan ng mahinang kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-19-22-27-34.
CANCER (June 21-July 22) - Tumayo ka kapag nadapa ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-20-29-39-44
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap lang naman ang isang gawain kapag iniisip natin na mahirap ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-19-28-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka muna ng tiyempo kapag hindi maganda ang nangyayari sa iyo. Huwag kang panghinaan ng loob. Tanggapin mo ang katotohanang hindi lahat ng araw ay umaayon sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-23-29-31-42
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka sa mga bagay na maaaring makasira ng kutis mo. Tulad ng sobrang init, sobrang daming kemikal at gayundin ang taong walang ginawa kundi ang maghanap ng mali sa ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-6-18-21-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bantayan mo ang iyong sarili. Ang madalas na pagkain ay nakakasira ng porma ng katawan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-19-23-29-32
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag ka maging kampante at hindi ka rin dapat mawala sa pokus. Ang mga karibal mo ay walang hinahangad kundi ikaw ay matalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-18-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pagsilbihan mo ang iyong sarili at huwag ang ibang tao. Hindi maganda na inuuna mo ang iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-20-26-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong masakit kung magsalita. Walang karapatan ang sinuman na hingan ka ng paliwanag sa mga bagay na gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-22-31-34-45
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung hindi mo matupad ngayon ang iyong pangarap, may bukas pa. Huwag kang magmadali dahil may bukas pa naman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-23-29-34-40.



Comments