Horoscope | Hunyo 9, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 9, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 9, 2022 (Huwebes): Malalaking tagumpay ang para sa iyo, kaya malalaking ambisyon din ang pangarapin mo. Ito ang nais sabihin ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Huwag mo nang habaan pa ang iyong hiling, bagkus, sabihin mo agad kahit may pagkaimposible o mahirap mangyari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-25-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka puwedeng panghinaan ng loob, lalo na ngayong haharap ka sa mga pagsubok. Marami ang umaasa sa iyo, kaya lakasan mo ang iyong loob. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-9-11-15-20-24-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang pabigla-bigla. Ang malalaking pangarap ay pinaplano nang mabuti upang matiyak na hindi ka mabibigo at masayang matutupad ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-24-27-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang gusto mo. Bagama’t mahihirapan ka, iisa lang ang magiging resulta — matatagpuan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang gusto mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-28-32-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aalalayan ka ng langit dahil ang gusto mong mangyari ay hindi mo kaya. Mahina ka, pero lalakas ka dahil sa tulong ng nasa itaas. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-25-27-35-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang nag-aalinlangan muli ang isip mo, pero gustong-gusto mo nang kumilos. Kumilos ka nang kumilos at ang pag-aalinlangan mo ay walang sapat na basehan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-29-30-31-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang gusto mo, hindi mo makukuha. Pero muling magaganap na ang hindi mo gusto ay mapasasaiyo at ang galak sa puso mo ay mag-uumapaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-26-28-38-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong awatin ang gustong umasenso, sa halip, ayunan mo pa. Ang kabiguang naiisip mo ay maaaring mangyari, pero pansamantala lamang siyang mabibigo. Pagkatapos nito, puro tagumpay at pag-asenso na ang kasunod. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-26-27-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling hahawiin ng langit ang mga humahadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak dahil ang gusto ng nasa itaas ay lalo ka pang umunlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-21-25-29-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bubukas ang pintuan ng grasya upang pagbigyan ang iyong kahilingan na ikaw ay makahawak ng malalaking biyaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-22-24-27-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lalakas ang loob mo, pero muli kang masisingitan ng pag-aalinlangan. Kapag nangyari ito, kumilos ka pa rin agad dahil ito ang panlaban sa iyong pagdadalawang-isip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-28-29-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magpaawat. Ituloy mo ang iyong gusto dahil ang umaawat ay biglang papanig sa iyo. Dahil dito, lalo kang susuwertehin at pagpapalain ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-31.




Comments