top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 6, 2022 (Lunes)

BULGAR
Jun 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 6, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 6, 2022 (Lunes): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Ang kapalaran mo ay palaging papunta sa pagganda at paglago ng buhay mo kahit ikaw ay maraming pagkakamali.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka masisisi kung ang mapipili ay maganda. Kahit marami ang tututol, ang inspirasyon at ganda ay magkasingkahulugan. At dahil pumipili ka ng magaganda, ang suwerte at magagandang kapalaran ay darating sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-24-29-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagagandahin ng langit ang kapalaran mo, kung saan hindi na titingnan ang iyong mga pagkukulang at kahinaan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-29-30-35-39-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang damit na sa pakiramdam mo ay bibilis ang iyong kilos. Ang susi ng mabilis na pag-asenso ay nasa komportableng kasuotan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-26-38-45.

CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Aakalain mong nagkamali ka ng pagpili, pero sa huli ay eksakto ito sa gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-23-33-42-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sinasabing ang maliit ay nakakapuwing. Binabalaan ka na huwag mong balewalain ang maliliit dahil kadalasan, ang maliliit ang nakakasingit. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-23-36-40-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka. Totoong masarap makatanggap ng magandang bagay, pero minsan, nagtatago sa magaganda ang mga pandaraya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-22-26-34-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Madaling mabihag ang nalulungkot. Ang payo ay nagsasabing, magkunwari kang masaya nang hindi ka mabiktima ng mga mapagsamantala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-25-30-31-35-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Para sa iyo ang araw na ito. Minsan, ang sarap ay nasa pait at minsan, ang ligaya ay nasa hirap. Minsan, ang hapdi ay masarap. Minsan, ang ginhawa ay nasa pagod. Madalas ay ito ang susi ng matagumpay at maligayang pamumuhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-23-38-40-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong itago kung ano ka. Bakit mo papansinin ang mga nasa paligid mo? Kahit kailan, malabong lumigaya ang mga nag-aalala sa sasabihin ng iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-11-13-24-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi palaging tama ang ginagawa ng isang tao. Lahat ay nagkakamali, kaya bakit mo sisisihin ang iyong sarili? Mabuhay ka bilang ganap na tao at hindi bilang santo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-27-28-30-33-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba na kapag mabilis kang magpasya, tama ka? Pero kapag napakatagal mong magplano, walang nangyayari sa buhay mo? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-22-29-32-35-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit mabagal umasenso, tandaan mo na ang may pinagkakakitaan kahit maliit ay kumikita. Kapag inipon ang maliliit na kita, ito ang simula ng pagyaman. Hindi uunlad ang hindi marunong mag-ipon kahit malaki ang kanyang kinikita. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-27-30-35-37.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page