top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 3, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Jun 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2022 (Biyernes): Kusang kikilos ang iyong kapalaran para umangat ang kalagayan mo. Ang masasagasaan ay marami, lalo na sila na walang bilib at panay ang kontra sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik ang iyong sigasig na lalo pang paunlarin ang iyong kabuhayan. Dadami ang maiinggit sa iyo dahil sa kakaiba mong sigla ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-20-25-32-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang madalas mong iniisip ay ang hinaharap na hindi nakakaganda para sa iyo dahil masisingitan ka ng mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-23-28-30-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ikabahala ang sandali na nasisingitan ka ng iyong mga karibal. Ang totoo, sila ang dapat mabahala dahil sa muling pag-arangkada ng iyong kapalaran, sila ay isa-isang mawawala sa balanse at matutumba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-25-26-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Lalambot ang puso mo at papatawarin mo ang mga nagkamali sa iyo. May ilan kang papatawarin, pero muli kang gagawan ng mali. Ito ang nakaguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-39-40-41-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hanapin ang mali dahil tiyak na makikita mo ito. Malaki ang epekto sa buhay ng tao ‘pag nakikita ang nangyayari sa kanyang kapalaran. Ang hanapin mo ay kung ano ang mabuti at gaganda rin ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-15-17-25-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang iyong mga kahinaan dahil dito magsisimula ang pagbabago. Kapag natanggap mo, ibabalik ng langit ang kalakasan mo, na siya namang pagmumulan ng panibagong suwerte at pagganda ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-22-28-39-41-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ang kapalaran mo na tila hindi pabor sa iyo. Ang tawag dito ay mapaglarong kapalaran, kung kailan nananalo ang agrabiyado. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-23-28-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magiging abala ka, ngunit hindi para sa sarili mo. Gayunman, ang paghanga ng langit ay para sa iyo dahil sa pagsasakripisyo mo, tatanggap ka ng mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-9-12-18-28-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka, pero hindi ka puwedeng sobrang magtiwala sa iyong sarili dahil ang malakas ay humihina. Ipagpatuloy mo ang iyong maayos at malinis na pamumuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-4-8-21-28-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simulan mong ipatupad ang plano mo sa buhay kapag nakita mo na ang mga senyales na ikaw ay masaya at ikaw ay hindi na kinokontra. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-18-25-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humahabol sa kapalaran mo ang ilang masasayang pangyayari. Bagama’t ang gusto mo ay magpahinga muna, hindi pa puwede dahil magsasaya ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-20-29-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan pa ang mga suwerte mo mula sa malayo, pero hindi mo pa masyadong nakikita o nadarama. Gayunman, ang mga suwerteng ito ay hindi agad matatapos, sa halip ay aabot pa sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-25-27-39-40-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page