- BULGAR
Horoscope | Hunyo 29, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 29, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2022 (Miyerkules): Dahil sa iyong kakaibang kabaitan at mababang kalooban, ang pagpapala ng langit ay palaging mapasasaiyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka dahil may magtatangka na dayain ka at magkukunwaring nangangailangan ng tulong. Bago ka tumulong, kilalanin mo nang mabuti ang lumalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-29-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdaratingan sa buhay mo ang magagandang bagay kahit kinakikitaan ka ng pagkawala ng positibong personalidad. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-23-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang mga nag-aakalang malulungkot ka dahil hindi mo nakuha ang iyong gusto. Ang hindi nila alam, lalong mag-iibayo ang iyong sigla at lakas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-21-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Susuwertehin ka at ang malalapit sa iyo ay susuwertehin din, habang ang mga kontrabida sa buhay mo ay aani ng nakakahiyang mga kamalasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-20-21-24-27.
LEO (July 23-Aug. 22) - Simpleng pagpapalit lang ng diskarte ang kailangan mo at makukuha mo na ang gustong-gusto mo. Hindi na kailangan pa ang masalimuot na pormula. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-27-36-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit ikaw ay magtataka sa iyong sarili dahil ang isang ipinagpapalagay mong mahina ang personalidad ay magiging malakas ang dating sa iyo na parang ikaw ay magagayuma. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-21-27-31-32-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang tamang panahon para palitan ang mga plano na alam mong hindi uubra. Gamit ang natutunan mo sa nakaraan, magagawa mo ang mga bagay na magdadala sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-18-24-36-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, kilos ng katawan ang iyong kailangan. Mahirap maunawaan ang katotohanang kapag kumikilos ang tao ay nagiging positibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-22-29-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi natitinag sa anumang kalamidad ang taong may malakas na personalidad. Malakas ang iyong personalidad. Inaasahang magtutuloy-tuloy ang pagganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-14-17-23-28-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Balewala ang pagiging negatibo mo. Hindi sapat ito para maawat ang matagal nang nakaguhit sa kapalaran mo, kung saan ngayon ang pagdating ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-18-20-25-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na magbabago ang pasya mo dahil iiral ang iyong pagiging maawain. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil may biyayang kapalit na mas marami sa ipinamigay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-20-29-34-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang maghahari ngayon, pero hindi ka dapat maging malupit. Isabuhay mo ang kabaitan at kababaang loob. Ito ang susi sa biglaang pagganda ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-18-25-28-30-34.