Horoscope | Hunyo 28, 2024 (Biyernes)
- BULGAR
- Jun 28, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 28, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 28, 2024 (Biyernes): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Haluan mo ng saya ang buhay mo, dahil sa ganitong paraan ka mas sisigla at ang mga ambisyon mo ay madaling mapapasaiyo. Muli, haluan mo ng saya ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-22-31-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapasaiyo ang munting suwerte na kapag ginamit sa negosyo ay aagos sa iyo ang mga biyaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-28-30-38-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masasayang ang mga pagsisikap mo, lalo na kung nakatuon ka sa layunin na yumaman. Iwasan mong maging abala sa maraming aktibidad na walang kinalaman sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-18-24-26.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon na ang tamang panahon upang paunlarin mo ang iyong kabuhayan. Huwag mong sayangin ang pagkakataon mong yumaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-21-32-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtiwala ka sa sarili mo. Sa katunayan, hindi mo kailangan ang iba para umasenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-25-30-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tama ka, bakit ka magpapaturo sa mga taong mas mahina ang isip kaysa sa iyo? Sapat na ang iyong kaalaman upang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-29-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang mananamantala sa kabutihan mo. Aakalain nilang kaya ka nila maisahan, ngunit ang hindi nila alam mas pinagpapala ka kapag dinadaya ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-17-22-25-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka! Kailangan ng tao ang saya kaysa sa mga materyal na bagay dito sa mundo. Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili na sumaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-21-28-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa mga nangangailangan ang iyong suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-27-35-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdag suwerte ang mapapasaiyo. May mga suwerte pang magdadatingan sa buhay mo. Kaya huwag kaligtaan na magpasalamat sa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-17-25-36-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Susuwertehin ka sa mga araw na ito. Ibahagi mo sa iba ang ilang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-25-33-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong tanggihan ang mga tulong mula sa malayo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-16-20-28-30-33.
Comments