Horoscope | Hunyo 25, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- Jun 25
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 25, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2026 (Huwebes): Mas magandang pumunta ka sa malalayong lugar upang manariwa ang iyong lakas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magtiwala sa mga taong sobra kung magkuwento. Sa halip, mag-ingat ka, dahil may babala na posible kang maloko. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-23-28-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maaaring mapasaiyo ang magagandang kapalaran kung mamamasyal ka, lalo na sa mga lugar na malapit sa kalikasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-18-21-26-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Bago ka magpasya, pag-isipan mo munang mabuti, nang sa gayun ay may pagkakataon ka pang mabago ang mga maling desisyon mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-29-32-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nasa sa iyo, huwag mong ibigay sa iba. Sa madaling salita, ipaglaban mo ito! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-10-14-28-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Abangan mo ang masusuwerteng balita na magdaratingan, pero hindi mo puwedeng angkinin ang lahat, mamili ka lang ng gusto mo. Samantala, ang mga suwerteng ‘di mo napili, muli rin naman ‘yan babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-15-24-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka! Kung masaya ka sa inyong tahanan, du’n ka mamalagi at ‘wag ka nang mamasyal pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-22-28-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mong mabuti ang mga iniaalok sa iyo at maging wais ka. Kung ano ang makakatulong sa buhay mo, iyon ang piliin mo. ‘Wag mong hayaan na nakabitin ng matagal ang mga iniaalok sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-15-21-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit kaya mong mag-isa mas mainam pa rin na tanggapin mo ang alalay ng mga taong lumalapit sa iyo. Kailangang makita at madama nila na mahalaga sila sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-25-34-41.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Itinataas ang nasa ibaba at ibinababa ang nasa itaas. Darating ang panahon na ikaw naman ang itataas, ang magara pa nito, kahit sa iyong pagtanda, hindi ka na ibababa pa kahit kailan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-13-19-22-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sukatin mo ang makakaharap mo. Hindi lahat ng mga tao na maganda magsalita ay may magandang pagkatao. Madalas sa masayang kuwento nakatago ang masamang motibo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-21-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig kang mabuti sa mga sasabihin sa iyo. Sa pakikinig gagana ang iyong espesyal na pandama, kaya mabibisto mo ang nagkukunwaring mabuting tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-27-33-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagkalat ngayon ang mandaraya at mapagkunwari. Mas piliin mong dumikit sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, at mag-ingat ka sa mga bago mong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-19-25-31-36.



Comments