Horoscope | Hunyo 15, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 15, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 15, 2022 (Miyerkules): Patuloy na papagandahin ng langit ang iyong kapalaran kahit mawalan ka ng pag-asa. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maniwala na hindi tama na maakit sa maganda. Ang totoo, sa kasalukuyan, ang mga ito ang magpapaganda ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang magandang pagkakataon para simulan mo ang matagal mo nang balak na paasensuhin ang iyong buhay. Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-15-23-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahahawa ka sa paladaing at reklamador kapag pinahalagahan mo ang mga sinasabi nila. Hindi ka palaangal, kaya sa kabila ng mahirap na kondisyon, umaangat ka pa rin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-13-16-21-29-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang lumalaban sa mga hamon ng kapalaran, sa kanya ka dumikit. Ang mga duwag at mahihina ang loob ay iyong iwasan, sapagkat sa matatapang nakalaan ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-22-29-39-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Simple lang ang sikreto ng iyong suwerte sa kasalukuyan. Madali lang gawin at ito ay nagsasabing ngumiti ka. Makikita mo na ngingiti rin sa iyo ang naggagandahang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-21-33-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lihim kang kumikilos ayon sa gusto mong mangyari. Pero kapag ipinamalita mo o may nakakaalam, gagayahin ka ng marami at magugulat ka dahil sila ang mabilis na aasenso. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-15-24-28-34-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Kumbaga, kontrolado mo ang ikot ng gulong ng buhay mo. Nasa iyo na ang lahat ng pagkakataon. Gamitin mo ito para sa iyong kapakanan. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-9-18-20-21-34-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang negatibong pangyayari kung hindi mo lalabanan at ang unang paraan ay ang maging positibo ka sa pamamagitan ng pagbilang sa mga napagtagumpayan mo na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-29-38-41-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatapat sa iyo ngayon ang pintuan ng grasya sa langit. Bubukas ito kung makitang ikaw ay nabubuhay ayon sa iyong pangarap na may kaugnayan sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-25-34-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Manghiram ka ng lakas ng loob sa taong malapit sa iyo na kilala ang iyong ugali. Makikita mo na mabilis umuunlad ang tao na kumukuha ng inspirasyon sa kapwa niya tao. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-4-15-23-30-40-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang masayahin, dumikit ka. Malaki ang maitutulong niya para ikaw ay sumigla. Maraming magagandang nagagawa ang taong masigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-22-26-34-41-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nauubos ang pagkakataon. Huwag kang masiraan ng loob. Maghintay ka lang at makakaasa ka na masisimulan mo na ang iyong mga binabalak na magpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-11-16-29-30-33.




Comments