top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 8, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Jul 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 8, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 8, 2022 (Biyernes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ang totoo nito, sa dami at dahil malalaki ang mga suwerte mo, suko sa iyo ang mga karibal mo. Gayundin, ang mga lihim at lantad mong kaaway ay hanga sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mali ang akala mo na hindi ka mapalad ngayon. Wala sa malayo ang suwerte mo, bagkus ay nasa malapit lang, kaya huwag mong hanapin ang suwerte sa malayo. Mas magandang luminga-linga ka lang sa paligid. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-18-29-30-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilabas at bigyan mo ng bagong kinang ang luma mong alahas. Gamitin at isuot mo ito dahil ngayon at sa ilang araw pang darating, ito mismo ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-23-28-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang unang maisip mo, gawin mo agad. Makakaasa ka na ang mga suwerte ay dadapo sa iyo. Hindi mo kailangan ngayon ang matagalang pag-aaral sa anumang uri ng sitwasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-28-30-35-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang may bait sa kilos at pagsasalita, siya ngayon ang dadatnan ng maraming magagandang kapalaran. Sino pa nga ba? Walang iba kundi ikaw. Umiwas ka sa mga palakontra at mahilig sa away. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-28-30-38-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Madali lang ang paraan kung paano ka susuwertehin, kaya lang, maaaring hindi ka agad maniwala. Tumayo ka na tayo ng isang taong marangal. ‘Yun lang at makikita mong susuwertehin ka agad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-17-25-26-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi makakaganda sa iyo ang kawalan ng pagkilos. Ang paghatak mo ng magagandang kapalaran ay ang kumikilos ang iyong katawan o hindi nananatili sa iisang puwesto lamang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-21-28-32-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang pinakabago mong damit dahil ito ang magsisilbing pamapasuwerte mo na nagsasabing, ang mga bago at magagandang kapalaran ay magdadagsaan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-13-22-27-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na ang iyong pampabuwenas ay ang metal na bagay na iyong iningatan. At kailangan lang ay simpleng mahawakan mo nang medyo may katagalan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-14-29-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa langit. Tumitig ka lang at sabihin mo ang gusto mong mangyari sa iyong buhay at makakaasa ka na ang mga ito ay matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-29-31-36-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Agahan mo dahil hindi maganda kung mahuhuli ka sa usapan. Agahan mo rin ang iyong gising mula ngayon. Kapag maaga ka sa lahat ng bagay, ang mga suwerte ay maaga ring dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-12-26-32-36-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka. Huwag kang magalit kapag nalamangan o naisahan ka. Dahil ang kondisyon para mapasaiyo ang malalaking suwerte ay ang ikaw ay madaya muna. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-16-17-25-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maniwala ka sa iyong sarili at huwag sa ibang tao. Kapag malaki ang bilib mo sa iyong mga kakayahan, ang naglalakihan at magagandang kapalaran ay guguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-27-30-31-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page