Horoscope | Hulyo 5, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 5, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 5, 2022 (Martes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo, kaya magnegosyo ka. Magsasayang ka lang ng panahon kung ibang larangan ang iyong pagkakaabalahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Natatapos ang lahat ng bagay. Ang mahalaga ay manatili kang matatag at buo ang loob. Dahil ang tibay ng iyong personalidad ang tunay na magdadala sa iyo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-31-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paramihin mo ang nasa iyo. Kung wala pa sa panahon, itabi mo muna, pero sa parehong layunin, ang mga ito ay iyong pararamihin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-14-21-23-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Bubukas ang maraming oportunidad sa iyong harapan. Puwede mong sunggaban, pero puwede ring maghintay ka pa ng mas magagandang pagkakataon na tugma sa ambisyon mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-9-16-28-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang masarap kausap, siya ang hanapin mo. Dahil sa kasalukuyan, higit na kailangan mo ang taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-18-27-34-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo ang magagandang ideya mula sa makakausap mo na magaling magkuwento. Huwag mong pansinin ang kanyang mga kahinaan dahil ang kailangan mo lang naman ay mga ideya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-17-20-21-25-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibigyan ka ng langit ng pagkakataong makabawi. Pero kailangan pa ring malakas ang loob mo dahil ito ang susi para ikaw ay tuloy-tuloy na sumulong sa pag-unlad at paglago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-26-28-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi makakasama sa iyo ang paglipat sa ibang trabaho. Ang masama ay hindi ka na nasisiyahan, pero nananatili at nagtitiis ka pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-29-30-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang alam mong makabubuti sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Huwag mong intindihin ang mga taong nagsasabi na alam nila ang mga bagay na makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-19-22-25-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaangat kapag humahakbang sa hagdan. Aangat ka kapag itinuloy mo ang pagtutok sa mas mataas na pangarap mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-14-16-27-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masarap mabuhay kapag may inspirasyon. Higit kailanman, dapat may inspirasyon ka sa buhay. Mamili ka sa mga taong alam mong nagsikap kaya umunlad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-23-38-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nalalaglag ang ilang piraso ng pakpak kapag lumilipad. Sa paglipad mo para sa iyong pangarap, ‘wag mong pahalagahan ang ilang mawawala sa buhay mo dahil hindi ka naman nila nauunawaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-21-29-35-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bilis ng kilos ang kailangan mo, kaya kapag nagpasya ka, gawin mo agad. Ang anumang antala o kawalang pagkilos ay magbubunga ng siphayo at panghihinayang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-25-27-35.




Comments