top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 31, 2022 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 31, 2022



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2022 (Linggo): Mapasasaiyo ang katuparan ng mga pangarap mo kung mabubuhay ka nang payapa at malayo sa magulong buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hayaan mo ang mga nasa paligid mo na hindi magkaintindihan. Gayunman, ilabas mo pa rin ang opinyon mo tungkol sa kanila. Ang mas mahalaga ngayon ay tuloy-tuloy lang ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-20-25-27-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin mo na mahirap kausap ang ilang tao. Huwag mo nang igiit ang gusto mo dahil nakakagalit ang taong wala sa lugar ang kilos at katwiran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-11-14-28-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabibigo ang taong pinag-aaralan muna ang ikikilos. Kaya pag-aralan mo muna ang mga gusto mong gawin at huwag kang sugod nang sugod. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-20-23-26-34-38.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, nagpasya ang langit na ibalik ang araw kung kailan masuwerte ka. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-22-25-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi pa dumarating ang bukas. Para sa iyo, ang mahalaga ay ang kasalukuyan na nagsasabing, kapag naayos mo na ang mga suliranin mo ngayon, ang mga susunod na araw ay magiging maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-22-25-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahigpit ang araw ngayon, kaya huwag mo munang igiit ang mga gusto mong mangyari. Pero maluwag ang araw ngayon kung mag-isa kang kikilos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-16-28-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggap ka lang nang tanggap. Kahit hindi ka humihingi, ikaw ay kusang bibigyan. Huwag kang tumanggi nang sa gayun ay mas marami pang dumating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-21-25-27-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi kailangan ng tao ang sobrang yaman. Pero minsan, ang langit ay sobra-sobrang magbigay. Mas magandang ibahagi mo sa iba ang ilan sa mga biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-26-34- 36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nadadapa ang nagmamadali, kaya bakit ka magmamadali? Dahan-dahan lang ang gawin mong pagkilos dahil sa pagiging marahan, mas gaganda ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-7-16-25-28-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Hindi naman nila alam kung ano ang iyong pinagdaraanan. Muli, huwag mo silang pansinin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-21-25-28-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alam ng langit kung ano ang kailangan mo. Mahirap mang paniwalaan, ngayon ay hindi mo na kailangang humiling dahil tiyak na darating ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-27-30-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy na darami ang maiinggit sa iyo dahil patuloy pa rin ang pagdating ng mga suwerte mo. Ang mga naiinggit ay walang magagawa para maawat ang mga suwerteng sunod-sunod na dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-18-22-29-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page