- BULGAR
Horoscope | Hulyo 30, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 30, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 30, 2022 (Sabado): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran, kaya matutupad nang lubusan ang iyong mga pangarap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pag silang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagkatapos ng pagbuhos ng malakas na ulan, ang mga ibon ay muling nag-aawitan. Pagkatapos ng mga pagsubok sa iyong buhay, ikaw ay makikitang nagsasaya at nagdidiwang dahil ang kapalit ng mga pagsubok ay malalaking suwerte at tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-24-25-38-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alagaan mo ang sinimulan mong negosyo. Makakaasa ka na lalaki ito at sa huli, ikaw na ang aalagaan ng iyong negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-27-30-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na kaalaman ang makukuha mo mula sa nasasaksihan mong hindi pagkakaunawaan. Ikaw ang unang makakaunawa sa kanila at pagkatapos nito, sunod-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-28-34-36.
CANCER (June 21-July 22) - Lakaran mo rin ang landas ng tagumpay ng iyong kaibigan. Hindi ka mabibigo tulad niya. Sa ngayon, puwedeng-puwede ka ring humingi ng mga payo mula sa kanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-12-23-32-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi pagandahan ng porma ang paraan para ikaw ay umasenso. Maging simple ka, pero tutukan mo ang iyong ambisyon. Ang totoo nga, simpleng pamumuhay ang isa sa sikreto ng tagumpay at malaking pagyaman sa hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-25-37-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpapayat ka para sa mabigat mong pangarap. Ibig sabihin, sa ngayon ay isabuhay mo ang pagtitipid at pagiging masinop habang sinisikap mong mas paunlarin pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-23-33-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itala mo ang bawat karanasan sa araw na ito. Puwede mong magamit ang mga ito upang malaman ang takbo ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe at gabay para sa iyo. Masuwertreng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-25-26-30-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sapat nang makinig ka sa mga hinaing ng iyong kaibigan. Kakaibang sigla ang nadarama ng isang tao kapag nailalabas niya ang kanyang sama ng loob sa mundo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-16-38-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka mahihirapan, ‘yun ang piliin mo. Ito ay upang mas makilala mo ang iyong sarili kung gaano ka katibay at katatag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-18-20-21-26-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang pakiramdam mo sa motibo ng bago mong kakilala, ‘yun siya. Ibig sabihin, hindi ka dadayain ng sarili mong pakiramdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-15-22-29-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palipat-lipat ang mga paru-paro sa mga bulaklak. Ikaw ang paru-paro, kaya hindi mo mapipigilan ang iyong sarili na magpalit ng desisyon. Pero hindi ito ang dapat mangyari, bagkus, magdesisyon ka upang magsimula ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-14-29-30-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naglalabasan ngayon ang mga kulisap. Tuwang-tuwa sila sa liwanag at patak ng ulan. Ikaw din ay mapupuno ng katuwaan dahil isa-isang maglilitawan ang napakarami mong suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-18-20-26-39-42.