top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 28, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Jul 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 28, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 28, 2022 (Huwebes): Mas mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwang nilalang. Ibahagi mo sa iba ang ilan sa mga suwerte mo. Tumulong ka sa mga nagmamalasakit sa may sakit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap ang kalagayan ng maraming tao, pero may iba na nagsasakripisyo para sa kapakanan ng lahat. Ayon sa kapalaran mo, puwedeng-puwede ka ring magsakripisyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-24-33-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag kang maglakas-lakasan ng loob. Ang nagmamahal sa iyo ay nag-iingat at pinahahalagahan ang kanyang kalusugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-21-30-39-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa panganib. Hindi ngayon ang panahon para sa pakikipagsapalaran. Totoong sumasaya ka sa mga aktibidad na nakataya ang kapalaran mo. Ang mahalaga ngayon ay nasa bahay ka lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-27-33-40-46.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi lahat ay nabibili ng pera. Ang mayayaman ay nagkakasakit din. Mamuhunan ka sa pagpapalakas ng kalusugan at huwag ka munang mamuhunan para madagdagan ang iyong yaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-20-33-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maganda ang nag-iingat at nakikinig sa mga awtoridad. Ang bawal ay bawal dahil ito ay para sa kapakanan ng lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong abusuhin ang iyong sarili, lalo na sa mga araw na ito kung kailan ang bawat tao ay dapat malakas ang resistensya. Umiwas ka sa mga aktibidad na pag-aaksaya lamang ng lakas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-28-33-47.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humihina ang katawan kapag nalulungkot. Huwag mong hayaan na talunin ka ng mga personal mong problema. Gumawa ka ng kaukulang paraan para ikaw ay maging maligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-18-29-34-48.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makinig sa mga payo na kung magkakasakit ay magkakasakit ka. Tandaan, ang mga sakit ay mula sa kapabayaan sa katawan at kalusugan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-26-35-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin mo ang loob ng mga mahal mo sa buhay na nawawalan na ng pag-asa. Hindi makakabuti na ang malalapit sa iyo ay nabubuhay sa negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-22-28-33-39-49.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Bumili ka ng mga pampalakas ng katawan, sapagkat sa ganitong paraan, magsisimula ang iyong mas marami pang pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-26-35-39-48.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka kahit nasa bahay ka lang. Ang iba nga, kahit nasa labas ng bahay ay pinaghaharian pa rin ng kalungkutan. May paraan kung paano ka sasaya sa araw na ito, kaya gawin mo na ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-13-22-28-32-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tubig ang iyong likas na elemento, kaya dagdagan mo ang pag-inom ng tubig dahil ito ang magbibigay sa iyo ng lakas at sigla. Gawin mo dahil ito ay totoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-25-34-39-40-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page