Horoscope | Hulyo 27, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 27, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 27, 2026 (Lunes): Malakas ngayon ang iyong pandama. Gamitin mo ito upang malaman kung paano ka aasenso.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Wala kang dapat ikabahala. Sa katunayan, ang kabang nararamdaman mo ay nagsasabing may darating nang suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-24-30-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin kahit nakadarama ka ng pag-aalinlangan sa iyong kakayahan. Maunawain ang langit at aalalayan ka Niya hanggang sa magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-16-20-23-29-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga gustong pumasok sa iyong buhay upang hindi na maulit ang naranasan mong pagkasira ng iyong mga plano dahil sa mga mahihinang nilalang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-25-33-36-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo na gawin ang mga gusto mong gawin na hindi mo naituloy noon. Iisa lang ang kahihinatnan nito—hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-21-26-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagdadrama lang, dahil may mga taong sadyang sagabal sa pag-unlad ng buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-14-24-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naduruwag ka sa ngayon. Ngunit puwede kang tumapang at magkaroon ng sapat na lakas ng loob kung babalikan mo ang mga tagumpay mo noon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-16-22-30-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong masyadong ilapit ang sarili mo sa taong nagpapakita ng pagtingin sa iyo. Mas mabuti kung susuriin mo muna ang kanyang tunay na motibo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-27-31-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong tangkaing ibalik ang nakaraan. Kapag nagpumilit ka, muli kang makakaranas ng hindi maganda. Minsan, pumapangit ang kapalaran ng taong mapilit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-21-33-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaang talunin ka ng iyong emosyon. Isip ang gamitin mo, pang-unawa ang yakapin, at pag-ibig ang pairalin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-15-19-22-27-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang babala ang kailangan mo sa ngayon. Ang awa ay hindi pag-ibig. Marami na ang nasira ang buhay dahil lamang sa awa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-18-20-25-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipaglaban mo ang iyong damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-29-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Ang pakiramdam mong hirap ay nasa isip mo lamang. Ang mahalaga ay magsimula ka. Kapag kumilos ka, tiyak na tutulungan ka ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-21-26-39-43.



Comments