Horoscope | Hulyo 27, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 27, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 27, 2022 (Miyerkules): Iisa lang naman ang kauuwian ng iyong kapalaran — ikaw ay tinitiyak na magtatagumpay sa buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ibibigay sa iyo ng langit ang panalo. Kailangang maunawaan mo na ang panalo ay para sa nakikipaglaban, lalo na sa mga hamon ng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-20-22-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng tapang. Gamitin mo ito para sa makabuluhang bagay, lalo na sa pagtupad ng mga hindi mo nagawa upang mas umunlad pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-24-28-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Makikitang napakalakas ng loob mo ngayon. Huwag mong kakalimutan na puwede rin itong sabayan ng talas ng isip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-21-25-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Bago ang lahat, lubhang kailangan mong maunawaan ang katotohanan na sa mundong ito, ang higit na pinagpapala ay ang tulad mong may mabuting kalooban. Huwag kang magbabago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-28-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pansinin mo na kapag dinampot ang mga butil ng bigas, mas marami ang nalalaglag. Ngayon, makukuha mo ang pinakagusto mo, pero may mga bagay na maisasakripisyo. Ganu’n ang buhay, kailangan mo pa ring magpatuloy. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-15-25-34-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap maunawaan ang buhay, madalas ay nakakatuwa at nagbibigay ng kakaibang saya. Hindi mo makukuha ang gusto mo, pero ang mapasasaiyo ay labis mong ikagagalak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-27-34-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghangad ka at magkakaroon ka. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda, pero ito ang katotohanan sa mundo. Gayundin, totoo na ang hindi maghahangad ay mapabibilang sa naghihirap. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-14-29-33-35-42-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palagi namang may kasunod ang lahat sa ibabaw ng lupa. Ang masuwerteng balita para sa iyo ay ang magkakasunod-sunod ang mga buwenas mo. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas upang lalo kang buwenasin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto- 10-14-19-28-30-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ngayon ang panahon para magpalit ng pangarap. Ang dapat mong gawin ngayon ay ituloy ang iyong ambisyon dahil ito ay bebendisyunan ng langit para sa iyong ikaliligaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-23-24-31-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag dumaraan ang malakas na hangin, nabubuwal ang mahihinang puno. Sa ngayon, kahit pa dumanas ka ng malakas na bagyo ng kapalaran, ikaw ay mananatiling nakatindig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-22-27-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Noon pa man, ang pagpapalit ng mga panahon ay sinasalubong ng pagdiriwang. Magsaya at magdiwang ka dahil ang takdang panahon na maganda para sa iyo ay magsisimula na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-25-27-30-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humihina ang malakas at ang mahina ay lumalakas. Ito ang batas ng kapalaran, na para sa iyo ay nagsasabing lalakas ka at matatalo mo ang anumang klase ng pagsubok sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-5-11-16-21-36.




Comments