top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Horoscope | Hulyo 26, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 26, 2026 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng suwerte. Ang totoo, kabilang ka sa iilan na biniyayaan ng magandang kapalaran. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Kumikilos ang iyong kapalaran para mas gumanda ang iyong buhay. Huwag kang mag-alala, dahil ang mga problema mo ay kusa ring mawawala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-17-20-24-30-34. 


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Mula sa munting buto ay tumutubo ang malaking punong-kahoy. Lalago rin ang sinimulan mong negosyo kahit maliit lamang ang iyong puhunan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-23-39-40.


GEMINI (May 21-June 20) – Nagbabalik ang ibong nagtampo sa kasuyo. Magbabalik ka rin sa mahal mo dahil maliit lamang ang dahilan ng inyong hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-22-27-38-41.


CANCER (June 21-July 22) – Masarap matulog sa malambot na higaan. Ngayon, kikilos ang iyong kapalaran upang matikman mo ang kaginhawaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-21-26-28-36.


LEO (July 23-Aug. 22) – Nagpapalit-palitan ang dalawang paa sa paghakbang. Hindi mabuti kung ikaw lang ang nasusunod; kailangan ding isaalang-alang ang sinasabi ng mahal mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-18-24-25-33-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Nagmumula sa ideya ang magagandang bagay. Gamitin mo ang mayaman mong imahinasyon upang mapabilis ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-11-13-25-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag mong pansinin ang mga nagkakalat ng hindi magandang balita tungkol sa iyo, dahil hindi kayang pabagsakin ng intriga ang tulad mong may dalisay at wagas na pagkatao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-12-20-28-39-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ito ang araw na masasaksihan mo ang pagbagsak ng isang mapagmalaki at mapagmataas. Tulad siya ng isang punong-kahoy na tinamaan ng kidlat ang magiging kapalaran niya. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-10-15-27-30-43. 


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Madaragdagan pa ang iyong matatanggap ng mas magagandang bagay. Huwag mong kalimutan magpasalamat palagi sa nasa Itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-22-25-31-44. 

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Ngayong nasa malayo ka, makakaharap mo na nang mukhaan ang taong bagay na bagay para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-21-26-29-32.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ibigay mo ang pangangailangan ng isang taong malapit sa iyong buhay upang hindi na siya magrebelde. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-14-23-29-31-38. 


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Magdagdag ka pa ng kaalaman tungkol sa negosyong gustung-gusto mo. Hindi sapat na lakas ng loob at tapang lamang ang iyong puhunan. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-3-13-15-20-24-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page