Horoscope | Hulyo 26, 2024 (Biyernes)
- BULGAR

- Jul 26, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 26, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 26, 2024 (Biyernes): Malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, magtatagumpay ka, at maiiwanan mo ang iyong mga karibal.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Simple at madali lang para dumapo sa iyo ang mga suwerte, tumingin ka lang sa malayo, at agad na magdaratingan ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-23-39-40-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng isip mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Kaya bakit ka mag-iisip ng mga negatibong pananaw? Ang ilagay mo sa isip mo ay ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-15-18-22-25.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil hindi mo maiiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-24-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Lakasan mo ang iyong loob. Sa malayo, mas gaganda ang kapalaran mo, kaya inirerekomenda na ikaw ay mag-abroad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-23-27-30-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa nagdaratingang mga suwerte. Kapag hindi ka naging maingat at masinop, masasayang ang mga biyayang ipagkakaloob sa iyo. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-25-28-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit wala kang pupuntahan, ang payo ng iyong kapalaran ay isuot mo ang damit mong panlakad. Magugulat ka dahil kusang lalapit sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-29-32-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bawasan mo ang iyong pagpapantasya dahil mas marami sa inilalarawan mo sa iyong isip ang natatangay ng magagandang pangako sa hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-25-33-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong loob. Huwag mong kalimutan na hindi ka pababayaan ng langit. Uunawain ka Niya dahil walang hanggan ang Kanyang pang-unawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-19-24-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Taglay mo ngayon ang malikhaing kaisipan at sobra ito sa sapat para magamit mo sa iyong mga plano sa buhay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-16-28-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka basta-bastang maniwala sa magagandang salita. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-17-24-36-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantala, huwag ka munang lumayo dahil ang mga suwerte mo ay dadalawin ka kung saan ka man naroon. Muli, huwag ka munang lumayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-24-28-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil patuloy ang dating sa iyo ng mga suwerte. Puwede ka ring makipagsapalaran sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-25-26-37-40.



Comments