top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 20, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Jul 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 20, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 20, 2022 (Miyerkules): Hindi ka pababayaan ng langit. Kikilos ang kapalaran para sa lalo pang ikagaganda ng buhay mo kahit hindi sinasadyang makagawa ka ng mga maling pasya.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ibaba mo ang iyong sandata, mas makabubuti kung magpapakumbaba ka. Minamahal at pinagpapala ng langit ang mapagkumbaba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-29-30-34-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo anihin ang bunga ng mga kabaitang ginawa mo sa iyong kapwa sa mga nakaraang araw. Ang aanihin mo ay malalaking biyaya at pagpapala na labis-labis mong ikakatuwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-12-24-27-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Magplano ka ngayon. Ang mga gusto mong gawin ay kailangang planuhin muna bago ipatupad nang hindi ka makaranas ng masaklap na kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-21-28-36-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo na ang anumang gusto mo. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay hindi makakapanaig dahil ang mismong langit ay lalagay sa iyong harapan laban sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-26-29-34-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito at ang mga araw pang darating na madali kang madadaya at mapapaniwala ng mga taong nagkukunwaring walang-wala, kaya mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-13-24-30-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na igigiit ang paniniwala mo dahil mas tama ka. Ang mga aayon sa iyo ay gaganda ang kapalaran, pero ang magmamatigas ay tiyak na malalagay sa kahiya-hiyang kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-15-23-27-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka ngayon at magpapatuloy ang iyong kahinaan sa mga araw na parating. Ang kahinaan mo ay nasa larangan ng pakikipagrelasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-29-33-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong balikan ang nakaraan at hindi mo rin ito dapat hayaang makaapekto sa desisyon mo. Sa ganitong paraan, mabubuhay ka nang may sigla, masaya at malaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-19-20-25-39-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umuulan man o umaraw, ang mga langgam ay walang tigil na nag-iipon ng kanilang mga pagkain. Ang walang patid na pagsisikap mo ay magbubunga ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-17-21-26-29-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakapagtaka dahil tuwing umuulan, hindi lang lupa ang lumalambot dahil ikaw din ay nagkakaroon ng malambot na damdamin na mas magpapaganda sa iyong relasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-26-34-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawakan mo ang iyong sarili dahil ikaw ay makikitang sobrang malaya, kung saan ang kalayaan mo ay nagiging sanhi ng maling pagdedesisyon, lalo na sa larangan ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-24-25-36-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy kang susuwertehin kung hindi ka hihinto sa pagpapaunlad ng negosyo. Pero kapag nakuntento ka, para na ring sinabing hindi na iikot ang gulong ng iyong kapalaran. Tularan mo ang sinasabi na, “Hindi ako titigil hanggang ako ay magtagumpay!” Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-18-22-25-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page