top of page
Aiko Melendez at Kim Chiu - IG.jpg

Horoscope | Hulyo 2, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 2, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 2, 2026 (Huwebes): Mayroon kang napakalakas na karisma, na mas malakas pa sa totoong gayuma. Kaya mag-ingat ka dahil ang mga taong walang karapatan ay hindi ka tatantanan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpaliban mo muna ang pakikipagkontrata. Maghintay ng araw na malaya kang makakapagpasya, dahil sa ngayon, ang damdamin mo ay sagabal sa mga proyekto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-12-19-24-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tiyak na mararanasan mong lapitan uli nang minsan nang nandaya sa iyo, at sila ay muli mong pagbibigyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-17-20-27-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang paganahin, hindi puso. Mas mapapabuti ka kung isip ang magdidikta sa buhay mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-16-2l-35-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kaunting kulit ang dapat mong gawin upang makuha mo ang gusto mo. Ang mga nasa paligid mo ay susunod sa utos ng langit na bigyan ka ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-18-23-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalo kang mapapalapit sa nagpapakita sa iyo ng kakaibang bait. Kung magkakaunawaan kayo, hindi kayo tututulan ng langit. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-6-19-24-28-33-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang nanghihimasok sa iyong buhay. Ang hindi niya alam, kapag hindi ka niya tinigilan ay maiinlab din siya sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-22-30-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Babagal ang galaw ng iyong mundo. Pagkakaabalahan mo ang aspetong pandamdamin na ang dapat na tutukan ay ang pangkabuhayan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-16-20-32-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Abala ang isip mo sa mga palaisipan at sa trabaho. Limitahan mo ang una at ituloy na lang kapag ikaw ay nasa bahay at nag-iisa na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-12-15-27-31-33.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Nag-iipon lang ng lakas ang iyong mga suwerte, kaya mo inaakalang walang paggalaw ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-16-19-25-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang madidikit sa iyo, siya na mismo ang suwerte mo. Maaari din na ikaw na mismo ang dumikit sa alam mong sinusuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-4-17-21-28-35-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - May babala na tutulo ang mga luha mo dahil sa kabiguan. Pero mapapaluha ka rin dahil sa biglang pagdapo ng malaking suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-11-20-32-38-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon dahil muling ibinalik ng langit ang mapalad mong araw upang mapahiya ang mga naghahangad na ikaw ay mabigo at masaktan. Masuwerteng kulay-teal green. Tips sa lotto-3-13-14-28-33-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page